5
MAY 2022
Mourning with Jesus
Mapalad ang mga nagdadalamhati, sapagkat aaliwin sila ng Diyos.
Mateo 5:4
One year nang hindi nabibisita ni Allie ang kanyang lolo sa probinsya dahil sa pandemic. Sa video calls na lang muna sila nag-celebrate ng mahahalagang okasyon tulad ng birthday at Christmas.
Pero nangyari ang kinatatakutan ni Allie. Isang araw, tumawag ang kanyang pinsan para sabihing sinugod ang kanilang lolo sa ospital. Two hours later, dumating ang balita: Nag-positive si Lolo sa Covid. Wala na siya. That same day, inilibing agad ang lolo nila. Sa video call lang din ito napanood ni Allie. Naka-lockdown kasi ang lugar nila kaya bawal pang bumiyahe.
Sa bilis ng mga pangyayari, hindi na nakuha pang umiyak ni Allie. May parang mabigat na bato na nakapatong sa dibdib niya, pero hindi niya alam paano ito tatanggalin.
In her numbness, Allie turned to the Bible. Dinala siya ng kanyang pagbabasa sa Philippians 4:6–7 PNT: “Wag kayong mag-alala tungkol sa kahit ano. Instead, ipag-pray nyo ang lahat ng kailangan nyo At ang kapayapaan ng Diyos na hindi kayang maabot ng isip ng tao, yan ang mag-iingat sa mga iniisip at nararamdaman nyo kasi nakipag-isa kayo kay Christ Jesus.”
Biglang tumulo ang mga luha ni Allie. Lahat ng hindi niya maiiyak, ibinuhos niyang lahat kay Lord. Guilt, kasi hindi niya nabisita ang lolo niya bago ito pumanaw. Anger, dahil sa pandemic na patuloy na pumapatay ng maraming tao. Helplessness, dahil wala siyang magawa tungkol dito. Then suddenly, comfort. Comfort, knowing that Jesus is mourning with her. Joy, dahil alam niyang naiintindihan ni Jesus ang sakit ng mamatayan ng mahal sa buhay. And finally, peace, dahil alam niyang Jesus is still in control.
Nahihirapan ka bang magluksa over something? Ibuhos mo ang iyong nararamdaman kay Jesus. Handa Siyang magluksa kasama mo. At handa Siyang ibigay ang kapayapaang hindi kailanman mauunawaan ng tao.
LET’S PRAY
Dear Jesus, my heart is in so much pain right now. Bigyan Mo ako ng kapayapaang tanging Ikaw lamang ang makapagbibigay.
APPLICATION
Isulat ang Philippians 4:6-7 sa sticky note at i-display sa isang lugar na lagi mong nakikita. Let it comfort you sa panahon ng iyong kalungkutan.