31

MAY 2022

Our Reliable Middle Man

by | 202205, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Lara Quigaman & Written by Marlene Munar

Dahil dito, lubusan niyang maililigtas ang lahat ng lumalapit sa Diyos sa pamamagitan niya, sapagkat siya’y nabubuhay magpakailanman upang mamagitan para sa kanila.

Mga Hebreo 7:25

Naisip mo ba kung gaano tayo umaasa sa mga middle man? Kapag may isang binatang manliligaw na medyo mahina ang loob, hihingin niya ang tulong ng isang kaibigan para maging “tulay.” Kapag nahihiyang magsabi ang anak sa kanyang magulang, dadaan siya sa isang kapamilya para tulungan siyang magtapat. At hindi ba, may mga nakakakuha ng trabaho o pwesto sa pamamagitan ng kapamilya o kaibigan?

Sa Old Testament, itinalaga ng Diyos ang mga lalaking mula sa linya ni Aaron para maging mga pari (Exodo 28:1). Sila ang tagapamagitan ng mga Israelita sa Diyos. Tinatanggap nila ang handog ng mga tao sa Diyos at inaalay ang mga ito sa altar (Mga Bilang 18:1–7). At minsan sa loob ng isang taon, sa Day of Atonement (o Araw ng Pagtubos ng Kasalanan), pumapasok ang pinakapunong pari sa Holy of Holies para iwisik sa Ark of the Covenant ang dugo ng mga hayop na inihandog ng mga tao. Sa ganitong paraan, pinapatawad ng Diyos ang kanilang mga kasalanan hanggang sa susunod na taon, kung kailan kailangan nilang maghandog muli.

Sa New Testament, si Jesus ang ating Pinakapunong Pari. “Sapagkat iisa ang Diyos, at tanging si Jesu-Cristo lamang ang taong tagapamagitan sa atin at sa Diyos. Inihandog niya ang kanyang buhay upang tubusin ang lahat mula sa kasalanan…” (1 Timoteo 2:5–6). Jesus was both the high priest and the sacrifice. Nang ihandog ni Jesus ang sarili Niyang dugo para sa kapatawaran ng kasalanan ng tao, natapos na ang office ng Old Testament priests. Minsanan at sapat na ang paghahandog ng Kanyang sarili (Mga Hebreo 10:10). Hindi na natin kailangan ng iba pang middle man o woman para makalapit sa Diyos. Hindi na natin kailangang maghandog o gumawa ng kung ano-ano pa para mapatawad tayo. Kaya pumanatag tayo; maaasahan natin ang Middle Man natin para iligtas tayo — magpakailanman.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Thank You, Jesus, my High Priest. I can be at peace dahil sa pamamagitan ng sacrifice Mo, “peace” na kami ni God!

APPLICATION

Kung tinanggap mo na si Jesus bilang Tagapagligtas pero may pangamba ka pa rin, huwag ka nang mag-alala. Magtiwala ka na lubusan ka Niyang maililigtas.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

12 + 5 =