30

MAY 2022

Dream Home

by | 202204, Devotionals

Share with family and friends
Narrated by Alex Tinsay & Written by PMV Clapano

“Sa bahay ng aking Ama ay maraming silid. Kung hindi ito totoo, sasabihin ko ba sa inyong pupunta ako roon upang ipaghanda ko kayo ng inyong matitirhan?”

Juan 14:2

One exciting part ng pag-aasawa ay ang pagpaplano para sa pamilya. It can also be challenging lalo na kung ang pinag-uusapan ay ang pagbili ng lupa at pagpapatayo ng bahay. And it can turn sour kapag hindi na nagkakaunawaan along the way.

It is actually wise to invest sa pagpapatayo ng dream home dahil hindi lang tayo ang makikinabang dito kundi ang next generation. But building our dream homes can put a lot of weight on our shoulders lalo na if we rely sa kaya lang ng ating bulsa at lakas ng loob para ipagpatuloy ang pangarap. Nakakadagdag din ang kabi-kabilang pressure na maririnig natin sa pamilya. May other factors din na pwedeng makaapekto sa pagpapatayo ng bahay lalo na kung na-scam tayo ng contractors o kulang na ang pera to finish what we have started.

Let us not lose hope kung nangangarap pa rin tayong magkaroon ng sariling bahay dito sa earth but let us not fret kung hindi pa ito nangyayari. We can hold on to God’s promise na meron tayong tahanang uuwian sa piling Niya kung saan hindi na problema ang plano ng bahay, engineers, architects, at contractors kasi nakahanda na ito para atin (Juan 14:2). Sabi sa 1 Mga Cronica 19:15, our lives here on earth are temporary, and our real home is in heaven sa piling ni God kung saan wala nang sakit, utang, problema, at kamatayan (Pahayag 21:4).

Before building our dream homes, we can build our faith first. Jesus said, “Ngunit higit sa lahat ay pagsikapan ninyo na kayo’y pagharian ng Diyos at mamuhay nang ayon sa kanyang kalooban, at ibibigay niya sa inyo ang lahat ng inyong pangangailangan” (Mateo 6:33).

Share this encouraging page to family and friends.

LET’S PRAY

Dear Jesus, pangarap ko pong magkaroon ng sariling bahay para sa aking family na we can call our dream home. I pray for Your provision and favor na matupad ito.

Thank You din po for reminding me na You have prepared a place for me in heaven. Help me to put You first and to trust Your will while I’m still here on earth. Thank You, Lord.

APPLICATION

May mga pangarap ka ba para sa iyong sarili at sa iyong pamilya? Magandang bahay, kotse, at buhay? Swipe right to open your Prayer List. Write your dreams and plans sa list and find time to pray for it every day.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

5 + 2 =