1

JUNE 2022

Ang Tunay na Lakas ng Loob

by | 202206, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Joyce Burton-Titular & Written by Michellan Alagao

Sinabi ko ito sa inyo upang kayo’y magkaroon ng kapayapaan sa pakikipag-isa sa akin. Magdaranas kayo ng kapighatian sa mundong ito, ngunit tibayan ninyo ang inyong loob! Napagtagumpayan ko na ang sanlibutan!

Juan 16:33

Nakaranas ka na ba ng trauma? Ang trauma ay isang natural na response kapag tayo ay dumaan sa mga mabibigat na pangyayari, tulad ng aksidente, abuso, violence, at iba pa. Ang taong may trauma ay maaaring magkaroon ng physical, mental, o emotional symptoms na dulot ng trauma. For example, minsan ay hindi natin ma-control ang ating nararamdaman kapag naaalala natin ang isang traumatic na pangyayari sa buhay natin, kahit na safe na tayo. Bigla na lang tayong maiiyak, magkaka-panic attack, o iba pang unusual reactions. Mahirap itong ipaliwanag sa mga taong hindi pa naka-experience ng trauma.

Unfortunately, we live in a broken world at hindi natin maiiwasan ang masasamang experiences. Sabi mismo ni Jesus, daranasin natin ang kapighatian —   (Juan 16:33). Praise God at meron tayong Diyos na nakakaunawa sa atin. Sa ating pagsusuri ng buhay ni Jesus, makikita natin na marami rin Siyang pinagdaanan na paghihirap at traumatic events. Naranasan Niya ang labis na pagpapahirap sa kamay ng mga sundalo, ang pag-abandon ng Kanyang mga kaibigan, at ang napakasakit na pagkamatay sa krus.

Na-experience ni Jesus ang pain at suffering noong Siya ay nasa lupa at dahil dito, naiintindihan Niya ang mga iba’t ibang trauma na pinagdaanan natin. Paalala Niya, lakasan natin ang ating loob. Mahirap mag-process at maka-move on sa mga trauma sa buhay sa sariling lakas lamang. Kailangan natin ang lakas ng loob na galing sa Panginoon. Sabi Niya, “My grace is sufficient for you, for my power is made perfect in weakness” (2 Corinthians 12:9). Lumapit tayo sa Kanya. Huwag tayong matakot o mahiya, sapagkat alam Niya ang sakit, lungkot, at takot na nasa puso natin. Naiintindihan Niya tayo. Sa Kanya lang tayo makakakuha ng tunay na lakas ng loob.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, alam po Ninyo ang lahat ng mga pinagdaanan ko na masakit at traumatic. I surrender these experiences to You. Ikaw ang aking tunay na Lakas at Pag-asa. Bigyan po Ninyo ako ng lakas ng loob sa pang araw-araw na buhay.

APPLICATION

Maraming mga tao na may iba’t ibang trauma sa buhay nila at minsan, nalulungkot at discouraged sila. May kaibigan o kamag-anak ka ba na nakaranas ng isang traumatic event? Kausapin mo sila. Pakinggan mo ang kanilang kwento at i-encourage mo sila. Tanungin mo kung ano ang pwede mong ipag-pray para sa kanila.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

8 + 6 =