24

JULY 2022

Mahilig Ka Bang Manlait?

by | 202207, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Joyce Burton-Titular & Written by Deb Arquiza

(Ang dila) Ito ang ginagamit natin sa pagpupuri sa ating Panginoon at Ama, at ito rin ang ginagamit natin sa paglait sa taong nilalang na kalarawan ng Diyos.

Santiago 3:9

May kilala ka bang tao na mahilig manlait? Iyong tipo ng tao na lahat na lang ng makita niya ay may nasasabi siyang hindi maganda? Aminin man natin o hindi, may mga times na na-eenjoy natin ang makinig sa mga pamimintas, lalo na kung ito ay ginagawang katatawanan. Maaaring hindi rin tayo aware, pero baka may mga times na tayo mismo ang namimintas. Paano kaya kung tayo ang laitin? Matutuwa pa rin ba tayo? Malamang hindi. Posibleng tayo ay maasar, magalit, o masaktan. Walang tao ang gusto na masabihang pangit siya.

Kahit saan natin tingnan, hindi maganda pakinggan ang panlalait at wala itong mabuting dulot sa atin. Ito ay nakakasakit at nakakababa ng self-confidence ng ibang tao. Nakakalungkot nga isipin na ang bibig na ginagamit natin sa pagsamba at pagpupuri kay Lord ay parehong bibig na ginagamit natin sa pamimintas ng ating kapwa. Ang ironic, di ba? We always say, “God is good” but many times, we fail to appreciate how good and wonderful His creation is. Instead, we look down on each other. Pero hindi tayo binigyan ni Lord ng dila para gamitin natin ito sa pamimintas at paninira ng ating kapwa. We are called to build each other up by speaking words of encouragement, prayers, and words of life.

Alam mo ba na sa tuwing naminintas tayo ng ibang tao ay para na rin nating siniraan si God at ang Kanyang creation? Bakit? Dahil tayo ay gawa according to the image of the Lord. Ang sabi sa James 3:9, nilalait natin ang “taong nilalang na kalarawan ng Diyos.” Tandaan natin na lahat ng tao ay ginawa ni Lord ayon sa Kanyang image. Sa Genesis 1, pagkatapos likhain ni God ang mga unang tao, dinescribe Niya sila as “very good.” At iyon ang totoo: Ginawa tayo ni Lord na napakainam at napakaganda. Let’s learn how to appreciate how wonderfully made we all are.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Dear Lord, patawarin Ninyo po ako sa aking pamimintas ng aking kapwa. Linisin Ninyo po ang aking dila and help me to use my mouth to build others up and to glorify You. In Jesus’ name, Amen.

APPLICATION

Iwasang makisali sa mga usapang pintasan. Ugaliing magbigay ng compliment at words of appreciation sa mga taong nakapaligid sayo.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

14 + 3 =