31

JULY 2022

This Too Shall Pass!

by | 202207, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Jamey Santiago-Manual & Written by Olga Vivero

Kaya’t pumunta tayo sa kanya sa labas ng bayan at magtiis din ng kahirapang kanyang tiniis. Sapagkat hindi rito sa lupa ang tunay na bayan natin, at ang hinahanap natin ay ang bayang darating.

Mga Hebreo 13:13-14

Nagkakasakit tayo. Naghihina rin at nasasaktan. Dumadaan tayo sa iba’t ibang pagsubok at kahirapan. We fall down and we make mistakes. We get hurt physically, emotionally, and even mentally. Ang sabi nga nila, hindi talaga perfect ang buhay.

Pero kahit ganoon, hindi pa rin natin gusto ang nasasaktan. Kung kaya nating iwasan ang masaktan, we probably would. But in reality, we can’t always protect ourselves from pain. What should we do then? We endure.

Sabi sa Mga Hebreo 13:13-14, “Kaya’t pumunta tayo sa kanya sa labas ng bayan at magtiis din ng kahirapang kanyang tiniis. Sapagkat hindi rito sa lupa ang tunay na bayan natin, at ang hinahanap natin ay ang bayang darating.”

Just as Jesus endured the pain and suffering on the cross, there is hope that we can also endure the trials we need to go through. Ang maganda roon, we will not suffer forever. The Lord promises na hindi naman ito permanent.

Kaya kung may trials kang pinagdadaanan, hayaan mong palakasin ka ng Holy Spirit para ma-endure ito. Hayaan mong i-mold din nito ang character mo para lalo kang maging Christ-like. This too shall pass! Kapag bumalik si Jesus, we will be with Him in heaven! After ng paghihirap, dadalhin tayo ni Jesus sa lugar na wala nang anumang hirap at dusa. Let us look forward to that.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, salamat sa pangako Ninyong sasamahan Ninyo ako sa bawat pagsubok. Tulad ng kung paano Ka naghirap at nakalampas sa Inyong Kalbaryo, alam kong malalampasan ko rin ang mga pagsubok sa aking buhay sa tulong ng Inyong Holy Spirit. Thank You for Your grace that enables me to remain faithful to You even during sufferings. In Jesus’ Name, Amen.

APPLICATION

Read and meditate on John 16:33; 1 Peter 3:14; 5:10; 2 Corinthians 4:17. Write about the current painful situations you are going through and allow God to speak hope to you through these verses.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

14 + 7 =