13

MARCH 2023

Digmaan o Kapayapaan?

by | 202303, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Celeste Endriga-Javier & Written by Celeste Endriga-Javier

Siya ang mamamagitan sa mga bansa at magpapairal ng katarungan sa lahat ng mga tao; kaya’t gagawin na nilang araro ang kanilang mga tabak, at karit naman ang kanilang mga sibat. Mga bansa’y di na mag-aaway at sa pakikidigma’y di na magsasanay.

Isaias 2:4

Nakakapanindig balahibo ang natunghayan ni Susan sa Holocaust Museum. Nakita niya ang larawan ng mga pamilyang pinalayas sa kani-kanilang tahanan. Mga dating respetadong Judio na hinubaran at ginutom hangga’t buto’t balat na lang ang kanilang mga anyo. Kinalbo at ginawang laman ng unan ang kanilang mga buhok. Tinagpian ng bahagi ng hayop ang kanilang naaagnas na kalamnan, ginawang katawa-tawa, pinag-eksperimentuhan. Napapikit si Susan habang namumuo ang galit sa puso. Anong demonyo ang pumasok sa mga taong ito na nagmalupit sa kanilang kapwa? Palabas na siya ng museum, nang mapanood niya ang video testimony ng isang survivor ng Holocaust.

Kuwento nito, “Yung isa sa amin, kumakanta pa, praising God habang eto kami, ang mga tinaguriang ‘chosen race’ na di na makahinga sa pagmamalupit ng mga German. Nang tinanong ko siya kung bakit, ang sagot niya ay, ‘Nagpapasalamat ako dahil hindi ako isang German! Hindi ako mamamatay-tao. Tayong mga Judio ay mamamatay sa hirap, pero sila ay mabubuhay pa na pinagmumultuhan ng kanilang pagkakasala.’

Let’s pause for a moment here. This is intense. Totoo nga, sadyang napakahirap mamuhay habang may dinadalang pagkakasala laban sa kapwa. Oo, may hustisyang kapalit ang pagmamalupit. Nakasulat sa Isaiah 2:4: “Siya ang mamamagitan sa mga bansa at magpapairal ng katarungan sa lahat ng mga tao…”

Hindi lang katarungan kundi pag-ibig ang pinaiiral ng Diyos dahil maging Jew o German man; Ukrainian o Russian; magkakaiba man ang ating political affiliation, mahal tayong lahat ng Panginoon nang pantay-pantay. God made a way for all our sins to be forgiven through Jesus Christ. Ang hirap tanggapin, ano? Lalo na’t kung sa isip natin ay mas mabait naman tayo kaysa kanila. Pero ano ang ating pipiliin ― digmaan o kapayapaan? Pumanig tayo sa Diyos na nagpapairal ng katarungan at ang nais ay kapayapaan para sa lahat.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, mahirap pong intindihin dahil unfair ang mga nangyayaring kaguluhan at kawalan ng katarungan, but I choose to put my trust in You. You judge all people and can settle disputes. I pray for peace among nations, and for peace in my heart. Amen.

APPLICATION

Sikaping maging channel of peace. If you “cancelled” your friends because of socio-political differences, invite them back into your life. In unity, we can rebuild the nation. With God’s grace kaya natin ‘to!

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

3 + 3 =