30

MARCH 2023

Depression Is REAL

by | 202303, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Erick Totanes & Written by Edwin D. Arceo

“Ang pagpapala ko ay sapat sa lahat ng pangangailangan mo; lalong nahahayag ang aking kapangyarihan kung ikaw ay mahina.” Kaya’t buong galak kong ipagmamalaki ang aking mga kahinaan upang lalo kong madama ang kapangyarihan ni Cristo. Dahil kay Cristo, walang halaga sa akin kung ako ma’y mahina, kutyain, pahirapan, usigin at magtiis. Sapagkat kung kailan ako lalong mahina, saka naman ako nagiging malakas.

2 Mga Taga-Corinto 12:9–10

If we are not careful, depression may sneak up on us without us knowing. Teka, di ba hindi nade-depress ang tunay na Christian?

Let me offer you this critique from a great man of faith, si Charles Spurgeon: “There are a great many of you who appear to have a large stock of faith, but it is only because you are in very good health and your business is prospering. If you happen to get a disordered liver, or your business should fail, I should not be surprised if nine parts out of ten of your wonderful faith should evaporate.”

Sabi sa pag-aaral ng Christian Medical and Dental Associations, “Some people judge the depressed from the security of their own comfortable situations. It is easy for a person to have faith when things are going well, because they need not lean on their faith.” Maraming mananampalataya ang unfairly judged ng kapwa nila Christian. In the same article, sinasabi rito ang mga myth na kaya ka depressed kasi kulang ka sa will power, or makasalanan ka at pinaparusahan ka ni God. Meron din daw nagsasabi na nagse-self-pity ka lang. Still others say na hormonal imbalance lang yan, or yun bang may period ka lang kaya ka depressed. Ang pinakamasakit ay yung sinabihan ka na kulang ka kasi ng pananampalataya kay God.

Depression is real, kapatid, at maraming Christians ang dumaraan dito, pero may magandang balita. Sinabi ng authors ng nasabing pag-aaral, “Those who have journeyed with Him into and out of depression know they can only survive when God is present at every moment, the first and only focus of their faith.”

So kapit lang kay God, kapatid. Alalahanin mo ang sinabi ni Apostol Pablo na “kung kailan ako lalong mahina, saka naman ako nagiging malakas” (2 Mga Taga-Corinto 12:10). Aminin mo kay God kapag nanghihina ka emotionally at asahan mong palalakasin ka Niya.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, nade-depress ako ngayon dahil sa nangyayari sa akin. Kahit ano pa ang pagdaanan ko, patuloy akong kakapit sa Inyo dahil inilalagay ko ang buo kong tiwala sa Inyo. Amen.

APPLICATION

Depressed ka ba? Mag-pray ka kay God at pagkatapos ay buksan mo ang Bible mo para makapag-meditate. Isulat mo sa isang journal ang verses na ibibigay sa iyo ni God. Panghawakan mo itot magpasalamat ka sa Kanya.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

3 + 11 =