4
MAY 2023
Mahalin ang mga Nakakainis
I’m sure you’ll agree that being gracious is not always easy. What can we do kapag nakakainis ‘yung tao? Let’s find out from today’s Word of God.
Kung ang mga nagmamahal sa inyo ang siya lamang ninyong mamahalin, anong gantimpala ang inyong maaasahan? Hindi ba’t ginagawa rin iyan ng mga maniningil ng buwis? At kung ang mga kapatid lamang ninyo ang inyong binabati, ano ang ginagawa ninyong higit kaysa iba? Hindi ba’t ginagawa rin iyan ng mga Hentil? Kaya maging ganap kayo, gaya ng inyong Ama na nasa langit.”
Mateo 5:46–48
Meron ka bang taong kinaiinisan? Kung naiirita ka sa isang tao, malamang may mga taong naiinis din sa iyo. Maraming dahilan: kasalanang nagawa sa isa‘t isa, salitang nakaka-offend, or dahil nagka-clash ang personalities natin.
Ang malaking challenge ay kung paano tayo magre-react sa mga taong paulit-ulit na nakaka-offend sa atin, those people who get on our nerves, ika nga. Very common reaction ang magbuntong-hininga at umiling habang kumukulo ang iyong dugo.! Sa totoo lang, mahirap mahalin ang mga taong nang-agrabyado sa atin. Pero sa mata ng Diyos, this is what counts: to love the people who seem unlovable to us. He will reward us for doing that dahil sa ganitong paraan lang natin maipapakita sa mundo na tunay na anak tayo ng Diyos. Otherwise, wala tayong pinagkaiba sa mga taong hindi kilala ang tunay na Diyos.
God desires for us, His children, to be like Him. He loved us when we were unlovable by sending His Son Jesus to save us from eternal death. He commands us to “owe nothing to anyone except to love and seek the best for one another for he who (unselfishly) loves his neighbor has fulfilled the (essence of the) law (relating to one’s fellowman) (Romans 13:8 AMP).
May utang ba tayo na pagmamahal sa mga taong kinaiinisan natin? Mayaman si Lord sa pag-ibig. Let us ask Him to fill us with His unconditional love and grace to enable us to love the people who don’t like us and those we do not like.
Tune in again tomorrow for another grace-filled message from the Word of God about “Dealing with Others Graciously.”
LET’S PRAY
Panginoon, I receive Your forgiveness for not loving those who have done me wrong. Thank You for filling me with Your unconditional love and grace so I can love those who hate me and those whom I hate. I am deciding to pay my debt of love to (name the person/persons whom the Holy Spirit has placed in your heart). I pray this in Jesus’ most precious name. Amen.
APPLICATION
Always pray for the person/persons that the Holy Spirit has shown you. Ask the Holy Spirit to give you courage and humility to do an act of kindness or speak words of affirmation to them. Do it quickly.