2

JUNE 2023

Best Listener

by | 202306, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Icko Gonzalez & Written by Joshene Bersales

Mga kapatid kong minamahal, unawain ninyo ito: maging alisto kayo sa pakikinig, dahan-dahan sa pagsasalita at huwag agad nagagalit.

Santiago 1:19

“Tapos na counseling session?” biro ni Mina kay Mona pagkababa nito ng telepono. Tumawag na naman kasi ang best friend ni Mona para maglabas ng sama ng loob tungkol sa kanyang boyfriend. “Ikaw naman,” ngiti ni Mona sa kapatid. “Once a week lang naman siya tumawag.” 

Pero hindi lang best friend ni Mona ang madalas lumapit sa kanya para magkuwento. Sa dami nga ng nagpapa-consult sa kanya, binibiro na siya ni Mina na magbukas na lang ng counseling center.

“Hindi ka ba napapagod?” minsan naitanong ni Mina sa kapatid. “Pati ikaw, nabu-burden sa problema nila.” Kibit-balikat na sumagot si Mona, “Usually naman hindi sila nanghihingi ng advice,” sabi niya. “Kailangan lang nila ng makikinig or tutulong mag-process ng nararamdaman nila.” 

Na-experience mo na ba ‘yung may lumapit na kaibigan sa iyo para lang magkuwento ng sama ng loob niya? Did you listen attentively o secretly inisip mong aksaya lang sa oras ang pakikinig sa taong ito? Pinutol mo ba ‘yung kuwento para magbigay ng advice, para lang matapos na ang usapan ninyo?

Kung titingnan natin ang example ni Jesus sa Bible, wala tayong makikitang time na pinatigil Niya ang kausap para pagalitan o bigyan ito ng payo. Nakinig Siya patiently sa kanilang mga sinasabi, gaano man kalungkot o nalilito o galit ang kausap Niya. For example, hinayaan Niyang umiyak si Mary nang mamatay si Lazarus bago Niya ito binuhay muli (John 11:28–36). Matagal din Siyang nakipag-usap sa Samaritan woman at the well at nakinig sa mga sagot nito sa Kanyang mga sinabi (John 4:4–26).

Next time na may lumapit sa atin para mag-share ng hinanakit o manghingi ng advice, may we turn to Jesus as an example kung paano maging mabuting listener—hindi nagbibigay ng judgment, at instead, puno ng pang-unawa, pasensya, at pagmamahal.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Jesus, salamat sa pagiging the best listener sa aking mga gustong sabihin. Tulungan Mo akong matutong makinig sa mga pinagdadaanan ng ibang tao.

APPLICATION

Kumustahin ang isang kaibigan na matagal mo nang hindi nakakausap. Kung meron siyang nai-share na problem, makinig at tanungin kung puwede mo siyang ipanalangin.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

2 + 15 =