11
JUNE 2023
Maging Mahinahon
Welcome to the last part of our series “Going Beyond Yourself” kung saan tinitingnan natin kung paano tayo magiging selfless, thoughtful, and considerate of others — lalo na sa panahon ngayon kung saan marami ang gumagamit ng social media.
Kung magagalit man kayo, iwasan ninyo ang kayo’y magkasala.
Mga Taga-Efeso 4:26
Dati, marami tayong experiences sa kalsada, school, commute, at workplace na talagang nakakagalit — mga salitang naririnig natin o di kaya’y mga bagay na ating nakikita. Ngayon, andiyan pa rin ang lahat ng iyan, pero nadagdagan pa ito ng walang katapusang agos ng info at news through social media. Napakaraming videos, balita’t tsismis, kaya napakadaling tumaas ng mga emosyon, lalo na pagdating sa usapang religion at politics. As believers, paano ba natin ina-navigate ang changes na ito in how we communicate and interact with people?
Natural lamang na magalit, lalo na sa mga bagay na offensive din kay Lord (like injustice, crime, at abuse), pero dapat na mag-ingat tayo sa ating tendency to be foolish kapag galit tayo (Kawikaan 14:17). This is all the more true sa social media, kung saan napakadaling mag-respond sa mga taong nakakasakit sa ating damdamin. At dahil nangyayari ang lahat ng ito online, kung saan usually walang accountability at madalas na anonymous ang mga usapan, sometimes wala na tayong self-control, and we become the worst, angriest versions of ourselves. Ito ‘yung warning ni Paul about anger being “the devil’s foothold” (Mga Taga-Efeso 4:27). Tayo mismo ang nagiging source ng strife at transgression (Kawikaan 29:22). Hindi lang tayo ang nagkakasala kapag nagsimula na tayong mag-post online ng masasakit out of anger; we cause others to do the same. We do the exact opposite ng reminders ni Paul: “itakwil na ninyo ang lahat ng galit, poot, at sama ng loob. Iwasan na ninyo ang panlalait at malaswang pananalita” (Mga Taga-Colosas 3:8).
Huminga nang malalim and remember: Be slow to anger (James 1:19). Be slow to type on your keyboard. Choose understanding over folly (Kawikaan 14:29). Huminahon, whether sa social media o totoong buhay.
Thank you for joining us these past three days for our series on “Going Beyond Yourself.” Do share this devotion and encourage others to tune in tomorrow for more inspiring messages from the Word of God!
LET’S PRAY
Lord, help me not to get angry so easily, lalo na sa mga nababasa ko online. Grant me the grace of self-control. Bigyan po Ninyo ako ng patience at understanding.
APPLICATION
Next time you go online, be aware of your behavior. Do you remain respectful sa arguments? Do you lose control kapag masasakit na ang salitang natatanggap mo? By God’s grace, exercise self-control.