12

JUNE 2023

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Alex Tinsay & Written by Honeylet Adajar-Velves

Magpasalamat tayo sa Diyos, sapagkat tayo’y binibigyan niya ng tagumpay sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo!

1 Mga Taga-Corinto 15:57

Kapag may hindi magandang nangyari sa atin, apektado tayo maghapon kahit gaano man kaliit ito. But this is not the case kapag maganda ang nangyari sa atin. Kadalasan, hindi natin napapansin ang ating small wins.

Kagaya ng nangyari kay Mara. Malapit na silang lumipat sa bago nilang bahay pero nang bisitahin niya ito, naka-tengga pa rin ang gate at hindi pa rin nakakabit ang mga materyales na dinala niya roon. Halos walang pinagbago simula noong huli niya itong makita.

Sinumbong niya sa asawa kung ano ang tumambad sa kanya. Sa halip na madismaya si mister ay tinanong siya nito kung kumusta ang iba niyang lakad. Bago pumunta sa pinapatayong bahay, nag-apply si Mara ng kuryente, tubig, at Internet para rito. Favored siya that day kasi lagi siyang nauuna sa pila. Dumaan rin siya sa furniture store, at sa wakas ay nakabili na siya ng bagong sofa at dining set dahil saktong sale that day. After realizing these things, nakita niya how blessed she is.

Every victory is given by God. Hindi mo pa man naa-achieve ang big goals mo, try counting every small improvement. Laging may ginagawa si God para sa atin, minsan hindi ganon ka-engrande but as we practice being grateful, we will see that these mini victories are actually the ones that create big impact. So count your wins and be thankful to God!

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Father God, salamat po na napakabuti Ninyo sa buhay ko. Tulungan Ninyo akong mag-focus hindi lang sa mga big wins, kundi tulungan Ninyo akong i-acknowledge maging mga small wins na binibigay Ninyo sa akin. May I develop a grateful heart. In Jesus’ name, I pray. Amen.

APPLICATION

Ano ang small wins mo today? You can write it on a piece of paper and post it kung saan lagi kang mapapaalalahanan kung gaano kabuti si God sa iyo. You can also share this devotion to your social media pages para makita rin ng iba kung gaano kabuti ang Diyos sa kanila.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

10 + 1 =