2

DECEMBER 2023

Walang Price Tag ang Joy

by | 202312, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Joyce Burton-Titular & Written by PMVClapano

Alam ko ring kaloob ng Diyos na ang tao’y kumain, uminom at pakinabangan ang bunga ng kanyang pinagpaguran.

Mangangaral 3:13

‘Matic na sa magkaibigang sina Malou at Maybel na kumain ng masarap sa mamahaling restaurants or coffee shops sa tuwing makakatapos ng research project. Reward nila ito sa kanilang mga sarili after their toil sa paghahanap ng perfect story na kailangang i-feature sa kanilang trabaho as media practitioners. Kung natapat sa petsa de peligro, maghahati sila sa isang meal at isang kape pero they will still enjoy the moment as if they were millionaires.

Buti na lang at hindi KJ si Lord. Pinapaalalahanan Niya tayo na hindi tayo nabubuhay sa mundong ito para lang magpakapagod sa trabaho at mamatay sa dami ng problema sa mundo. God intends for us to enjoy life. Sabi sa Mangangaral 2:24, “Ang mabuti pa sa tao’y kumain at uminom, at pakinabangan ang bunga ng kanyang pinagpaguran. Alam kong ang lahat ng ito ay kaloob ng Diyos.” Sa kabila ng maraming problema at concerns na nangyayari sa mundo, He wants us to find joy even in ordinary things like treating ourselves to ice cream pagkatapos maglakad nang mahaba sa mainit na kalye o makatulog nang mahaba during our rest days.

When we enjoy even the ordinary things in life, we become more thankful and humble. ‘Yung tipong napapasabi tayo ng, “Thank you, Lord!” after makainom ng malamig at refreshing na tubig kapag mainit ang panahon. Nagiging mas thankful tayo na may trabaho tayo, healthy tayo, or nakakapag-travel tayo. God is glorified whenever we thank Him.

Also, mas nae-enjoy natin ang buhay kapag humble tayo. Humble enough to put our hope and trust in God’s timing. Humble enough to enjoy simple things. Humble enough to be content sa kung ano ang meron sa atin ngayon. We don’t need millions to be joyful. Walang price tag ang joy. Let’s just reward ourselves in simple ways when it’s sweldo day. After all, it is God’s gift to us.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Dear Jesus, I am thankful for Your reminder to enjoy even the simple things in life. Pinipili kong maging masaya sa small victories ko sa work, sa family, at kahit sa personal na goals and dreams ko. Thank You, Lord, kasi I can find joy in rewarding myself kapag suweldo day na.

APPLICATION

Do you know someone who is having a hard time enjoying life? O baka ikaw mismo ay disappointed dahil sa dami ng concerns? Treat yourself. Bumili ka ng pagkain na gusto mo or pamper yourself with a movie or a body massage. Isama mo na din ang kaibigan mong stressed sa life kung gusto mo ng kakuwentuhan.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

9 + 8 =