1

DECEMBER 2023

God Is Your Real Boss

by | 202312, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Miriam Quiambao-Roberto & Written by Michellan Alagao

Anuman ang inyong ginagawa, gawin ninyo nang buong puso na parang sa Panginoon kayo naglilingkod at hindi sa tao. Sapagkat si Cristo ang Panginoong pinaglilingkuran ninyo at alalahanin ninyong pagkakalooban kayo ng Panginoon ng gantimpalang inilaan niya para sa inyo.

Mga Taga-Colosas 3:23–24

Ang hirap ng work conditions ngayon. Kailangan mong gumising nang maaga kasi ang hirap makahanap ng masasakyan papuntang office. Ang mahal ng lunch at merienda kung bibili ka sa labas. Tapos usually, hindi rin naman kalakihan ang mga suweldo ng karamihan. Minsan pa, nakakadismaya ang inggitan at politics sa workplace. Kaya ang marami, hindi na maibigay ang kanilang 100% sa kanilang trabaho. It’s understandable din naman, nakaka-discourage at nakakapagod ang ganitong mga situation. As believers, how should we view work, especially if it’s uninspiring and difficult?

Kahit na nakakasawa kung minsan ang work natin at ang tingin natin dito ay isang routine na lamang na kailangang gawin para mabuhay, let’s not forget na ang ability to create wealth, ang magkaroon ng suweldo, ay galing kay Lord (Deuteronomy 8:18). Rather than be discouraged, lalo na kung medyo di mo kasundo ang boss mo, consider this: God is your real Employer.

Unlike human bosses, He is good and merciful (1 Mga Cronica 16:34; Lucas 6:36). If our human employers disappoint us, God certainly won’t. At kung nao-overwhelm ka sa dami ng trabaho, sa physical demands ng pagpasok araw-araw, guess sinong makakatulong sa iyo? Ang Boss natin in heaven. Ang tulong na kailangan natin ay manggagaling sa Kanya (Awit 121:1–2).

Kung ang tingin natin sa work ay isang burden, mas mabilis tayong mapapagod at mawawalan ng gana. But if we change our mindset about it, and view our work as serving God, as something to be grateful for, mas magiging positive ang attitude natin sa trabaho. Kahit na mahirap ang commute, medyo kulang ang suweldo, at demanding ang supervisor, our Real Boss is the One we’re really working for. And He absolutely deserves our 100%.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, help me change my perspective sa trabaho ko. I am working for people, pero sa totoo, Ikaw ang Boss ko. And when things get hard, please help me overcome them.

APPLICATION

Pray to God today about your work issues. I-imagine mo na si Lord ang iyong real Employer at humingi ka ng tulong sa Kanya sa areas kung saan nahihirapan kang magtrabaho.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

6 + 12 =