23

FEBRUARY 2024

Baka Kailangan Mo Lang Mag-Antay

by | 202402, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Jericho Arceo & Written by Philip Roa

Sinabi ni Marta, “Panginoon, kung kayo po ay narito, buháy pa sana ang kapatid ko.”

Juan 11:21

Ang hirap mag-antay, ‘no? Sa panahon ng mabilis na Wi-Fi connection, fast food, at same-day delivery ng ibang online shopping stores, sanay na sanay tayong makuha ang gusto natin agad-agad. Napakabilis tuloy nating mainis kung hindi nasunod ang gusto natin sa oras na hiningi natin. 

Ito rin siguro ang naramdaman ni Martha, kapatid ni Lazarus. Bago pa mangyari ang mga kaganapan sa Juan 11:1–44, may dalawang beses na binuhay ni Jesus ang patay: ang daughter ni Jairus (Mateo 9:18–26) at ang anak ng biyuda sa Nain (Lucas 7:11–17). Kung nandoon si Jesus sa pagkamatay ni Lazarus, tiyak na nabuhay Niya ito. Hindi na kinailangang mag-antay ng apat na araw nina Martha to see the miracle of Lazarus being raised from the dead.

Pero minsan, kailangan talaga nating mag-antay dahil mas makabuluhan ang magaganap. Nung binalita kay Jesus na namatay na si Lazarus, alam  ba ninyong hindi Siya agad-agad pumunta kina Martha? Sabi sa verse 6 na … nagpalipas pa siya doon ng dalawang araw mula nang mabalitaang may sakit si Lazaro.”

Sinadya ba ito ni Jesus dahil wala Siyang pakialam kay Lazaro? Hindi. Sabi sa verse 5 na mahal Niya ang magkakapatid. Pero iba ang pakay ni Jesus. Oo, binuhay Niya ang Kanyang kaibigan pagkatapos ng apat na araw, pero dahil sa Kanyang pagpapalipas ng mga araw bago dumating, napatunayan Niya sa pamilya ni Lazarus at maraming tao na nasa libingan na Siya nga ang Diyos na Tagapagligtas!

Minsan, ang inaasahan natin sa Diyos ay kapiranggot lamang ng nais Niyang ibigay sa atin. O hindi kaya, iba lang talaga ang gusto Niyang sabihin o ibigay. Kaya kung hindi mo pa nakukuha ang hinihiling mo, baka kailangan mo lang palang mag-antay. Sasagutin ‘yan ni Lord ayon sa Kanyang kagustuhan. Mag-antay ka lang.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Dear Jesus, kadalasan ang hirap mag-antay at umasa. Maraming salamat dahil natuklasan ko na baka hindi ayon sa kagustuhan Mo ang hinihiling ko o may mas maganda Ka pang sagot sa akin. Turuan Mo po akong mag-antay at umasa sa Iyo.

APPLICATION

Ano ang hinihingi mo kay Jesus? Sa tingin mo, ayon ba ito sa kagustuhan Niya para sa ’yo? Basahin ang Juan 11:1–44 to fully appreciate the miracle that Jesus did for Lazarus.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

2 + 13 =