3

MARCH 2024

Like Father, Like Son

by | 202403, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Jericho Arceo & Written by Marlene Legaspi-Munar

Welcome to our series “Ang Tatlong Pagbabago sa Buhay ng Isang Cristiano.” Kahapon, we learned that a person who receives Jesus as Savior instantly becomes changed in his spirit. Pero bakit ang ugali, hindi yata agad nababago? Let’s find out from today’s devotion.

At ngayong naalis na ang talukbong, nagniningning sa ating mga mukha ang kaluwalhatian ng Panginoon. At ang kaluwalhatiang iyan na nagmumula sa Panginoon, na siyang Espiritu, ang siyang magbabago sa atin mula sa isang antas ng kaluwalhatian hanggang tayo’y maging kalarawan niya.

2 Mga Taga-Corinto 3:18

Kahawig na kahawig ng batang si Nate ang daddy niyang si Nathan. Kaya kapag may nakakakita sa mag-ama, ang laging sinasabi ng mga tao ay, “Like father, like son.” Si Ida naman at ang mommy niyang si Minda ay para ring pinagbiyak na bunga. Kaya ang bukambibig ng mga kakilala nila, “Like mother, like daughter.”

Pero hindi lang natin ginagamit ang phrases na ito as an expression of the physical similarities between a child and his or her parent, kundi sa similarities nila sa pag-uugali. Children are likely to imitate their parents after being constantly exposed to their speech, actions, and mannerisms. Naa-absorb din ng mga bata ang values and belief systems ng mga magulang nila.

Likewise, as children of God, nagiging kagaya tayo ni God sa pag-uugali dahil una sa lahat, inalis na Niya sa atin ang sin nature at ang ipinalit Niya ay ang Kanyang righteousness (2 Corinthians 5:21). At pangalawa, habang ini-expose natin ang sarili natin sa Kanyang Salita, we learn how to speak and act like Jesus. We learn godly and eternal values. We learn to live like a true child of God. The Spirit of God changes us into the same image of God from glory to glory (2 Corinthians 3:18).

When we first believed in Christ, instantly, binago ng Diyos ang ating spirit. Habang pinapakinggan naman natin at sinusunod ang Salita ng Diyos, dahan-dahang nababago ang pag-uugali natin. As we submit and obey God, tiyak na mapapansin ng mga tao: “Christian ka nga talaga.”

Anyone who is in Christ is bound to experience change sa kanyang isip, salita, at gawa habang sumusunod siya sa Panginoon. Kaya patuloy tayong makinig sa Salita ng Diyos at sumunod sa Holy Spirit para tuloy-tuloy ang ating pagbabago. Magkita-kita tayo bukas para sa third and last part ng ating series na “Ang Tatlong Pagbabago sa Buhay ng Isang Cristiano.”

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Thank You, Holy Spirit, for enabling me to follow God. Salamat na pinapaunawa Ninyo sa akin ang Salita ng Diyos para maipamuhay ko ito. At sa pamamagitan Ninyo, patuloy akong nababago at nagiging kamukha ng Diyos.

APPLICATION

May tinuturo ba sa iyo ang Holy Spirit na dapat mong baguhin? Submit to God, receive His power to change, and walk according to His ways.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

5 + 3 =