14

APRIL 2024

Ang First Step Kapag May Problema

by | 202404, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Felichi Pangilinan-Buizon & Written by Honeylet Adajar-Velves

Sa lahat ng iyong gawain siya nga’y alalalahanin, upang ika’y patnubayan sa iyong mga tatahakin.

Mga Kawikaan 3:6

Sa tuwing kinakapos tayo ng pera, agad nating iniisip kung kanino kaya tayo puwede humiram o kaya naman kung anong bagay ang puwede nating isangla. Kapag nagkakasakit ang mahal natin sa buhay, agad tayong kumukonsulta sa doktor para bumuti ang kalagayan niya. At mas pinadali pa ang pagresolba ng problema ngayon dahil lahat yata ng bagay, puwede na nating makita at magawa sa internet.

Pero paano kapag puro rejection ang inabot natin sa mga taong hinihiraman natin? What if naisangla na natin lahat ng valuable items pero kulang pa rin? Or malala na ang sakit ng kapamilyang dinala natin sa doktor? Paano kung na-try na natin lahat ng options na inoffer sa search results sa internet pero hindi pa rin nito mabigyang solusyon ang ating problema? Kadalasan, dito pa lang tayo lumalapit sa Panginoon.

Nalito na ba tayo sa order of success na binigay sa atin ni God? Sabi ng wise man sa Proverbs 3:6 (TLB), In everything you do, put God first, and He will direct you and crown your efforts with success. Wow! Very clear and instruction and promise sa atin dito. Kung uunahin pala nating lumapit sa Panginoon bago tayo kumilos on our own, He will guide us and give us victory.

Are we ready to follow the first step kapag may problema? 

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, sorry po kung laging nahuhuli ang paglapit ko sa Inyo kapag may problema ako. Thank You for reminding me to put You first in everything I do. Kaya naman po ngayon, inilalapit ko sa Inyo ang pinagdadaanan ko. Please give me wisdom and favor para mapagtagumpayan ko po ito. In Jesus name, I pray. Amen.

APPLICATION

Isulat ang buong verse ng Proverbs 3:6 sa isang papel at idikit ito sa pintuan ng kuwarto mo para laging mong maalala to put God first in everything you do (especially kapag may problema ka).

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

6 + 14 =