21

JULY 2024

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Alex Tinsay & Written by Honeylet Adajar-Velves

“Nakatayo ako at kumakatok sa pintuan. Kung diringgin ninuman ang aking tinig at bubuksan ang pinto, papasok ako sa kanyang tahanan at kakain kaming magkasalo.”

Pahayag 3:20

Tawang-tawa tayo sa mga kumakalat na memes tungkol sa mga “Sharon” na todo-balot ng pagkain para iuwi galing sa mga handaan. At sigurado, minsan sa buhay mo ay na-encounter mo ang Filipino culture na ito. Pero mas malala pa, kung nag-Sharon na nga ang bisita, dine and dash pa siya. How would you feel kung ikaw ang nag-imbita sa kanya?

Kadalasan ganito rin natin i-treat ang relationship natin kay God. Pray tayo nang pray para sa mga bagay na gusto nating makuha. Matapos Niyang sagutin ang ating mga panalangin, nawawala na tayong parang bula. At lalapit na lang tayong muli kapag may kailangan ulit tayong hingin.

Of course, God finds joy in answering our prayers. But more than that, mas mahalaga sa Kanyang mapalalim ang relasyong meron tayo sa Kanya. Sabi nga Niya sa Revelation 3:20 (ISV), “I will come in to him and eat with him …” Hindi Niya sinabing, makikipagkita lang Siya saglit or ia-abot Niya lang ang pagkain sa atin. Ayon sa verse na ito, He will eat with us. At kung paanong nakikipagkwentuhan tayo sa ating minamahal every time we go on dates or spend quality time with them, ganito rin ang gusto ni God ma-experience with us. Gusto Niya tayong makasalo so that we can get to know Him better and vice versa.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, sorry po kung at times, dine and dash ako sa relationship natin. Thank You na sobrang love Mo ako at lagi Mo akong binibigyan ng chance para makilala Kayo ng lubusan. Bigyan Ninyo po ako ng grace para maging consistent sa quality time nating dalawa. I love You, Lord! In Jesus’ name, I pray. Amen.

APPLICATION

Kumuha ng disposable spoon and fork. Isulat sa spoon: Revelation 3:20. At sa fork naman ay: date time with God. Ilagay mo ito sa room kung saan ka laging nagpe-pray para ma-remind ka that God longs for your quality time with Him.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

8 + 15 =