28

AUGUST 2024

Paninirang-puri at Pagpupuri

by | 202408, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Erick Totanes & Written by Kit Cabullo

Mamuhay kayo nang maayos sa gitna ng mga Hentil upang kahit na pinaparatangan nila kayo ng masama, kapag nakita nila ang inyong mabubuting gawa ay magpupuri sila sa Diyos sa Araw ng kanyang paghuhukom.

1 Pedro 2:12

People are watching us. Hindi man tayo nabubuhay para lang i-please ang iba, we can’t really stop them from having an opinion about us. Nakakalungkot din na may iba na talagang hobby nila ang paninirang-puri. Nakakaubos ng pasensya, pero that’s the reality.

Sa gitna ng persecutions — including slander — Peter encouraged Christians to do good. But first, pinaalala niya kung gaano sila ka-blessed: “kayo ay isang lahing pinili, grupo ng maharlikang pari, isang bansang nakalaan sa Diyos, bayang pag-aari ng Diyos upang magpahayag ng mga kahanga-hangang ginawa niya. Siya ang tumawag sa inyo mula sa kadiliman patungo sa kanyang kahanga-hangang kaliwanagan” (1 Pedro 2:9). Pagkatapos, hinikayat sila ni Peter na mamuhay nang maayos ayon sa napakagandang katayuan na mayroon sila kay Jesus — kahit pa akusahan sila ng masasamang gawain!

Tandaan natin na kahit anumang isipin ng iba, hindi masisira ang tunay nating pagkatao kay Jesus, kasama ang mga mabubuting gawain na bunga ng pagsunod natin sa Kanya. Kaya tuloy lang tayo sa paggawa ng kabutihan, hindi lang para makumbinsi sila na hindi tayo masama, kundi dahil makakatulong din ito na makilala nila si Lord.

God can use our goodness to change the hearts of people. Kaya sabi ni Peter, “kapag nakita nila ang inyong mabubuting gawa ay magpupuri sila sa Diyos sa Araw ng kanyang paghuhukom” (v. 12). Matatapos din ang paninirang-puri at mauuwi ang lahat sa pagpupuri sa ating Hari.

Kapag tayo ay sinisiraan, we look to our God who is full of truth and goodness. Mananaig sa dulo ang katotohanan at kabutihan. If others are uttering lies about us, let’s stand on the truth about how God loves us and gave us a new identity.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, nabago po ang aming pagkatao at nagkaroon ng halaga at kahulugan ang aming buhay dahil kay Cristo. Tulungan po Ninyo kaming mamuhay at manindigan sa katotohanan ng Inyong pag-ibig sa amin.

APPLICATION

Ilista ang mga katotohanan sa Biblia tungkol sa ating pagkatao bilang mga Cristiano. Sa tuwing sinisiraan ka, balikan mo ang mga katotohanang ito. Ilista din ang mga mabubuting gawain na iniuutos ng Diyos at humingi ka ng lakas sa Kanya para sundin ang mga ito.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

6 + 4 =