9

OCTOBER 2024

Para sa Matagumpay na Pamumuhay

by | 202410, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Jericho Arceo & Written by Timmy Yee

Nakita natin kahapon na kadalasan, gaya ng nangyari kay Moses, ang kasunod ng pagkabalisa ay ang pagiging magagalitin at pagmamadali. Paano hinarap ng kanyang successor na si Joshua ang uncertainty tungkol sa future ng kanyang mga kababayang Israelita? Let’s find out as we continue our series, “Conquering Doubts and Worries.”

Basta’t magpakatatag ka at lakasan mo ang iyong loob. Sundin mong mabuti ang buong Kautusang ibinigay sa inyo ni Moises. Huwag kang susuway sa anumang nakasaad doon, at magtatagumpay ka saan ka man magpunta. Huwag mong kaliligtaang basahin ang aklat ng kautusan. Pagbulay-bulayan mo iyon araw at gabi upang matupad mo ang lahat ng nakasaad doon. Sa ganoon, magiging masagana at matagumpay ang iyong pamumuhay.

Josue 1:7–8

“I think I’m gonna resign,” kuwento ng isang kaibigan. “I’ve been expecting promotion for many years, pero wala namang nangyari! Siguro I can find my Promised Land sa ibang company. Siguro it’s time to move on. I’m tired of waiting and expecting!”

Are you like my friend? Do you feel uncertain about your future, whether it be at work or life in general? Are you on the verge of giving up?

This was how the Israelites felt after being in the wilderness for so many years. Moses, their leader, led them out of slavery to journey toward their Promised Land. But God made them wander in the wilderness because of their doubts despite the constant miracles they received from God. Joshua was then next in line to lead after Moses. When Moses died, he was overwhelmed by his death and the thought of leading a group of doubters.

Pero kahit naging ganoon si Joshua at ang mga Israelite, naging tapat pa rin ang Panginoon. Pinaalala ni God kay Joshua na maging matatag at matapang sa gitna ng panibagong pagsubok. Ipinaalala Niya na siya si Yahweh, the great I AM, at ang Panginoon ng lahat. Maaasahan ni Joshua na gagabayan at tutulungan Siya ng makapangyarihang Panginoon, katulad ng naranasan ni Moses. Sa pamamagitan ng pagbubulay at pagsunod sa salita ng Diyos at Kanyang biyaya, magiging matagumpay ang kanyang buhay at pamumuno.

If you are having doubts about your future and feel like giving up, remind yourself of the times God pulled you out of a difficult patch. Pinakamahalaga sa lahat, gawin mong gabay ang Salita ng Diyos upang maging matatag ka at marating mo ang kinabukasang nakabatay sa layunin ng Diyos para sa iyong buhay.

Let God and His Word be our source of strength and encouragement as we conquer our worries and doubts. See you tomorrow for another inspiring message from the Word of God!

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoong Jesus, umasa ako sa aking sarili at ibang tao. Nakalimutan ko na ang katapatan Mo noong mga panahong sinalba Mo ako at tinulungan. Turuan Mo akong manalig, sumunod at magtiwala sa Iyong salita at biyaya.

APPLICATION

Basahin mo ang Salita ng Diyos regularly. Isulat mo ang mga bagay na ituturo sa iyo ng Diyos patungkol sa iyong buhay.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

14 + 2 =