11
OCTOBER 2024
Check Your Motive
Hindi ninyo nakakamtan ang inyong minimithi dahil hindi kayo humihingi sa Diyos. At humingi man kayo, wala rin kayong natatanggap dahil hindi tama ang inyong layunin. Humihingi kayo upang mapagbigyan ang inyong kalayawan.
Santiago 4:2–3
Mayroon ka bang gustong makuha pero hanggang ngayon ay hindi pa nangyayari or dumarating ito? Have you ever wondered kung bakit hindi pa ito ibinibigay ni Lord? If you had been praying about it and working on it, is it possible that you may be asking with the wrong motive?
In James 4:2–3, James, half-brother of Jesus, reminded Christians about their motives in desiring things. Kung may gusto man ay hindi nakukuha dahil hindi naman pinagpe-pray. At kung humiling man ay hindi rin ibibigay dahil hindi naman tama ang motibo. Selfish desires din ang pinagmulan ng pagtatalo at pag-aaway. Kaya naman ang bilin ni James ay magpakumbaba sa Diyos, labanan ang devil at lalayo sa kanila ito. Lumapit sa Diyos at lilinisin Niya tayo mula sa kasalanan; lilinisin ang puso at babaguhin ang ating isip. And when we delight ourselves in the Lord, He will change our hearts to be one with Him and will give us then the desire of our hearts.
Check your motive: Gusto mo bang mag-asawa dahil malungkot ka or takot kang mag-isang tumanda? Or gusto mong mag-asawa kung kalooban ito ng Diyos at mago-glorify mo siya sa pagpapakasal? Check your motive: Gusto mo bang ma-promote sa trabaho para sa malaking sahod at position? Or para makatulong ka sa kapwa at makapag-lead ng tao kay Christ? (bonus na lang ang salary increase at job title). God answers all our prayers according to His will (1 John 5:14–15).
LET’S PRAY
Panginoon, hinihiling ko na linisin Ninyo ang aking puso at isip patungkol sa mga hinihiling ko sa Inyo. Turuan Ninyo akong maging desire kung ano ang will Ninyo sa buhay ko. In Jesus’name, I pray. Amen.
APPLICATION
Write down what you are looking forward to this year. Be as specific as possible. Ask the Lord to check your motive and to cleanse your heart and mind for your heart to be aligned with His.