16
MAY 2026
Ang Katapat ng Katapatan
Ang lupain ng Hebron ay nananatili hanggang ngayon sa angkan ni Caleb na anak ni Jefune, na isang Cenizeo, sapagkat buong katapatan siyang sumunod kay Yahweh, ang Diyos ng Israel.
Josue 14:14 (MBB)
More than 20 years na si Beth sa kumpanya. Masinop at hindi mareklamo sa trabaho kaya nang mag-retire siya, bukod sa retirement package, binigyan siya ng free weekend getaway for two. Such a good way to kick off her retirement, right?
But wait until you hear about Caleb. Isa siya sa spies na ipinadala ni Moses para i-survey ang Canaan, ang lupang ipinangako sa kanila ng Panginoon. Pero kahit totoong “land of milk and honey” ito, nagreklamo ang taong-bayan dahil sa ulat na may mga higanteng nakatira riito. Pinatahimik sila ni Caleb at nanindigan na huwag nang mag-aksaya ng panahon at magagapi nila ang mga iyon (Numbers 13:23–30). Yet the people continued to rebel. Sa pagpapatuloy ng kanilang paglalakbay, buong katapatang sumunod si Caleb sa Panginoon, kaya siya lamang sa kanyang henerasyon ang nakarating at nakatanggap ng portion ng lupa sa Canaan (Joshua 14:8–9; Deuteronomy 1:36).
Imagine, Caleb was 40 years old when they spied, and God kept him alive for another 45 years. At 85, he experienced being under the leadership of Moses and then Joshua, and endured 40 years in the wilderness along with the grumbling generation of Israelites and then spent 5 years conquering the Promised Land! His secret to his enduring faith? He followed God wholeheartedly.
Nanamlay na ba ang faith mo kay God dahil sa sunud-sunod na pagsubok ng buhay mo? O imbes na makahikayat ka sa Panginoon ay hindi mo napapansing nag-grumble ka na rin? God is inviting you to follow Him wholeheartedly today for you to see and step on your “Promised Land.”
LET’S PRAY
Lord, give me a faith like Caleb, a faith that endures in all seasons and despite all challenges. Help me to obey You wholeheartedly. Help me fight any unbelief. In Jesus’ name, I pray. Amen.
APPLICATION
Ask yourself: “What’s hindering me from trusting God?” Pagkatapos ay basahin at i-meditate ang Joshua 14:6–15. Anong message ni God sa iyo today?
SHARE THIS QUOTE
