15
JULY 2026
Takot Ka Bang Ma-Disappoint?
Ang aking dalangi’y dininig ng Diyos, inalis niya sa akin ang lahat kong takot.
Awit 34:4
“Siya ang dream girl ko.” Ito ang sinabi ni Charlie sa kanyang mga kaibigan nang una niyang makita si Anna sa campus. Kaya mula noon ay naging laman na siya ng panalangin ni Charlie para maging lifetime partner niya. Pero ibang lalaki ang napangasawa nito. Naiwang luhaan at bigo si Charlie. Dahil dito, natakot na siyang muling humingi ng kahit na ano kay God. But through the years, lumabas ang tunay na kulay ni Anna. Pera lamang pala ang habol nito sa napangasawa, and eventually ay nakipaghiwalay ito nang ma-bankrupt na ang lalaki. God actually spared Charlie from a possible tragedy in his life.
Katulad rin ba tayo ni Charlie na na-disappoint nang hindi sinagot ni God ang prayers natin? Sabi nga sa Psalm 34:10 (ESV), “…those who seek the Lord lack no good thing.” Ibig sabihin, when something is good, then the Lord will give it to us. So, when we ask for something earnestly, and God grants our prayers, it actually means that this is because it will be good for us. But if God said no, or things did not go the way we asked for in prayer, then it probably means that He has a better plan for us. After all, God’s ways are higher than our ways.
Kaya naman, huwag tayong matakot lumapit sa Panginoon at humingi sa Kanya. He loves it when we display our trust in Him by asking for big and impossible things. Hindi nasasayang ang faith natin sa Kanya because we are assured that whatever His answer is, it is always for our own good.
LET’S PRAY
Lord, thank You because now I know na hindi Ninyo gustong ma-disappoint ako whenever things do not go my way. Instead, gusto lang Ninyong mapabuti ako. Tulungan po Ninyo akong magtiwala nang buong–buo sa Inyo. Amen.
APPLICATION
If you’re using the Tanglaw app, swipe left at dagdagan ang iyong prayer list. Practice your full trust in God by asking even for things that seem impossible. Be open to how God will answer your prayer.
SHARE THIS QUOTE
