16
JULY 2026
Ginagawa Mo Bang Genie Si Lord?
Ang wagas na pag-ibig mo’y mainam pa kaysa buhay, kaya pupurihin kita, O Diyos, at pararangalan.
Awit 63:3
Sa kuwento ng Aladdin and the Magic Lamp, nadiskubre ni Aladdin ang isang mahiwagang lampara, kung saan na-trap ang isang genie. Aladdin rubbed the lamp, freeing the genie inside. Bilang gantimpala sa pagpapalaya sa kanya, binigyan ng genie si Aladdin ng tatlong wishes, na ginamit ng binata para mapabuti ang kanyang buhay.
Wala man tayong genie na puwedeng hilingan ng three wishes, meron naman tayong Diyos na ready na sagutin ang ating mga panalangin kahit ilan pa ang mga ito. Pero teka, hindi kaya nagagawa nating genie lang din si Lord minsan? Balikan ang huling prayers mo. Were you praying para maka-build ng relationship kay Lord? Or nilatag mo lang ang prayer requests mo, hoping na sasagutin ka na Niya finally?
Aminin man natin o hindi, minsan ginagawa nating tagatupad lang ng wishes si Lord. Instead of asking Him to be part of our lives, hinihiling lang natin sa Kanya to give what we want. At kapag hindi Niya sinagot ang prayer natin in the way we want, nagtatampo tayo sa Kanya.
Kaya naman napakaganda ng sinulat ni King David sa Psalm 63:3. God’s love is so much better than our lives or the things we can have habang nabubuhay tayo rito sa mundo. Kahit gaano ka-grand ang hilingin natin, wala itong sinabi sa pagmamahal Niyang sumasagot sa ating mga panalangin.
Ginagawa mo bang genie si Lord minsan? Remember na si Lord ang mabuti sa ating buhay, hindi lamang ang tagadala ng mabuti rito. Huwag natin sana Siyang i-reduce sa pagiging tagasagot lamang ng ating wishes. Instead, let’s ask na maging bahagi Siya ng ating buhay, ibigay man Niya ang ating mga hiling o hindi.
LET’S PRAY
Dear Lord, sorry for the times na ginagawa ko Kayong genie na tagatupad lang ng wishes ko. More than giving me what I need in my life, I am asking You to become a part of it too. Amen.
APPLICATION
Think about the last time na ginawa mong parang genie si Lord. What can you change in the way your pray para Siya ang maging focus mo at hindi ang mga kaya Niyang ibigay sa iyo?
SHARE THIS QUOTE
