4
SEPTEMBER 2026
Together on the Journey of Faith
Magtulungan kayo sa pagdadala ng pasanin ng bawat isa, sa gayong paraan ay matutupad ninyo ang utos ni Cristo.
Mga Taga-Galacia 6:2
Accidentally, napapasok si Precy sa isang church dahil may iaabot siyang gamit ng kanyang kaibigan. Nag-text ito sa kanyang hintayin siya sa loob ng simbahan. Dahil dito, walang nagawa si Precy kung hindi mapa-attend sa ongoing na praise and worship service. Napaiyak siya nang marinig niya ang song na “Lord I Offer My Life to You.”
After the service, finally, naibigay na rin niya sa kaibigan ang gamit na kailangan nito. Dahil nawala ang bigat sa puso ni Precy matapos umattend sa church, umasa siyang isasama siya ng kanyang kaibigan sa kanilang Bible study so she can get to know more about God,pero wala siyang narinig na imbitasyon.
Maaaring naging Precy na tayo minsan, ginustong mas makilala si God pero nahiyang pumunta sa gatherings nang mag-isa. O kaya may mga kakilala tayo na gaya niya, nangailangan ng kasama, ng kausap, pero hindi tumuloy dahil walang imbitasyon.
Sabi nga sa Salita ng Diyos sa Galatians 6:2 (NIV), “Carry each other’s burdens, and in this way you will fulfill the law of Christ.” God sends people to help us in our walk with Him. At the same time, He uses us to be an encouragement to other people. So today, may we be reminded that the journey of faith is never walked alone.
LET’S PRAY
Lord, thank You for this good reminder of how important relationships are in our faith journey. Salamat po sa mga taong pinapadala Ninyo sa tuwing may bigat akong dinadala. Bigyan po Ninyo ako ng compassionate heart so I can also be there for others in their time of need. Amen.
APPLICATION
Mag-send ng message sa tatlong tao today. You can send them a personalized short prayer or a Bible verse. You’ll never know, maybe that’s all they need to get through the day.
SHARE THIS QUOTE
