4

OCTOBER 2026

Long Post Ahead

by | 202610, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Via Antonio & Written by Alma S. de Guzman-Santos

Ikaw ay aking Diyos, kaya naman ako’y nagpapasalamat; ang pagkadakila mo ay ihahayag. O pasalamatan ang Diyos na si Yahweh, pagkat siya’y mabuti; pag-ibig niya’y tunay, laging tapat kailanman.

Awit 118:28–29

Isang taong struggling but faithfully believing ang nag-post sa Facebook ng ganito:

Disclaimer: Long post ahead.

The past few months have been tough. Hindi namin alam kung paano namin naitatawid ang pang-araw-araw naming pangangailangan. Bukod sa dasal, dinadaan na lang namin sa paulit-ulit na pag-iyak. Nakakahiya na ring magsabi sa iba ng problema lalo na’t malinaw na hindi naman kasalanan ni Lord kung bakit ganito ang mga hirap na aming pinagdadaanan.

Sa kabila ng lahat ng hamon at mahihirap na pagsubok, walang araw na lumipas na hindi naging mabuti ang Diyos. Natutunan ng aming puso na magpasalamat mula sa kaliit-liitang bagay na Kanyang ipinagkakaloob sa amin.

Aming Diyos, maraming salamat na kailanman hindi Kayo nagkulang. Paggising sa umaga, ipinapaalala Ninyo na may kaloob Kayo sa amin na bagong araw at kalakasan. Pilit mang iparamdam ng mundo na kawawa kami, alam namin na sa Inyong mga mata ay hindi kami kawawa. Dahil sa Inyo, may pag-asa kami at may mararating sa buhay. Nakagawa man kami ng maling desisyon, naging makasarili at nakalimot sa Inyo, maraming salamat na laging bukas ang Inyong puso na muli kaming patawarin, tanggapin, at bigyan ng bagong panimula. Hindi namin alam kung kailan matatapos ang mga pagsubok na ito, ngunit ang mga puso namin ay patuloy na umaasa at nananampalataya na kami’y Inyong tutulungan at palalayain sa buhay na aming kinalalagyan. Ipinagkakatiwala namin sa Inyo ang aming buhay.

We can read in the book of Psalms the real and genuine emotions of God’s people. They express worship, joy, sorrow, sadness, frustration, anger, and guilt. These words were written to remind us that God is never intimidated with our emotions. He sees our hearts, and we can always be honest, transparent and vulnerable before Him.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, deliver us from our misery. Help and strengthen us specially in these trying times. We trust You with our lives. And we thank You for Your love and grace. Amen.

APPLICATION

Meditate God’s Word in the pages of the book of Psalms. Discover  God’s words of wisdom and live by them.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

2 + 7 =