16

JANUARY, 2021

Huwag Kang Matakot

by | 202101, Devotionals, Fear

Share with family and friends

[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Alice Labaydan

Hindi ba’t ipinagbibili sa halaga ng isang salaping tanso ang dalawang maya? Gayunman, kahit isa sa kanila’y hindi nahuhulog sa lupa kung hindi kalooban ng inyong Ama. At kayo, maging ang buhok ninyo’y bilang niyang lahat. Kaya, huwag kayong matakot; higit kayong mahalaga kaysa maraming maya.

Mateo 10:29-31

May kanta ang isang iconic band noong 90s na ang title ay “Huwag Kang Matakot.” Sabi sa unang lyrics ng kanta,
Huwag kang matakot.
‘Di mo ba alam nandito lang ako
Sa iyong tabi
‘Di kita pababayaan kailan man

Ang sarap sa feeling na masabihan nito ‘no? Sa panahon ngayon kung saan flooded ng hindi magagandang balita ang social media, television, at radio, napakadali na lang magpadala sa takot. Pero sa tuwing alam natin na may kasama tayo na kailan man hindi tayo papabayaan, parang ice cream na natutunaw ang lahat ng fears natin. Mas nagiging matapang tayo.

Iyan mismo ang pangako ng Diyos sa iyo. Ang Mateo 10:29-31 ay isa lang sa napakaraming verses sa Bible that proves that God is so mindful of you. Ayon sa verse, kung ang mga maya nga na nilikha Niya ay iniingatan Niya, ikaw pa kaya na pati strands ng buhok mo alam niya ang eksaktong bilang?

Fear has the power to cripple us. Sa tuwing hinahayaan nating lamunin tayo nito, it hinders us from fully enjoying the life that God has given to us. Pero mahirap man kalabanin ang takot walang sinabi ito sa kapangyarihan ng pagmamahal ng Diyos sa iyo. Sabi sa 1 John 4:18 (ESV): “There is no fear in love, but perfect love casts out fear.”

Be assured of God’s love for you and let His love for you overcome all your fears. Magtiwala na lagi kang iingatan ng Diyos at hindi ka Niya papabayaan dahil mahal ka Niya. Huwag kang matakot.

Ano bang kinakatakutan mo? Tara i-surrender natin iyan sa Kanya ngayon.

Share this encouraging page to family and friends.

[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, natatakot po ako. Ipaalala Ninyo sa akin na hindi ako nag-iisa, na kasama ko Kayo. Tinatanggap ko ang pagmamahal Ninyo para sa akin ngayon. Hinahayaan kong tunawin ng pagmamahal Ninyo ang takot na nararamdaman ko. In Jesus’ name, Amen.

APPLICATION

Isulat ang 1 Juan 4:18 sa isang papel at ilagay ito sa lugar kung saan madalas mong makita, sa kuwarto mo man ito o sa opisina. Kabisaduhin, isa-puso, at hayaan mong ipaalala nito ang love ni God para sa iyo.

Kailangan mo ba ng makakausap? I-click ang icon na “Chat with Us” para maka-chat nang live ang ating prayer counselor.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

2 + 9 =