18

FEBRUARY 2021

Hindi Ka Nag-iisa

by | 202102, Devotionals, You

Share with family and friends

[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
"
Narrated by Camila Kim Galvez"

Si Yahweh ang mangunguna sa iyo. Sasamahan ka niya. Hindi ka niya bibiguin o pababayaan man, kaya’t huwag kang matatakot ni panghinaan ng loob.

Deuteronomio 31:8

Imagine na isa kang single mom na may binubuhay na tatlong anak. Araw-araw hinahanda mo ang baon, uniform, at iba pang mga pangangailangan nila. Aside from that, classroom teacher at writer ka rin ng children’s books. Imagine ‘yung iba’t-ibang responsibilities na kailangan mong pasanin sa araw-araw. How would you feel? Makakaramdam ka kaya ng takot? Panghihinaan ka kaya ng loob?

Maybe you’re not a single mom, pero baka feeling mo rin nag-iisa ka. Mag-isa mong hinaharap ang difficult at challenging experiences sa buhay. And then, there are also uncertainties about the future.

But wait, did you know that God is with you even when you feel alone and you think you’ve been left behind? And ‘yung uncertainties about the future? Don’t worry, God is always a step ahead. Sinabi ni Moses kay Joshua, “Si Yahweh ang mangunguna sa iyo. Sasamahan ka niya. Hindi ka niya pababayaan, kaya’t huwag kang matatakot ni panghinaan ng loob.” Nasabi ito ni Moses kay Joshua kasi he will soon be gone, at si Joshua ang papalit sa kanya bilang leader ng Israelites who would lead them into the Promise Land. Wow! Ang laking responsibility nun ha! You could imagine na baka natakot din si Joshua at pinanghinaan din ng loob kaya kailangan niya ng ganoong reminder.

Maybe you also need this reminder. Inulit sa Hebrews 13:5 ang ganitong pangako ng Diyos: “Hindi kita iiwan ni pababayaan man.” Hindi ka pababayaan ng Diyos sakali mang may problema sa inyong pamilya o sa inyong mag-asawa. Hindi ka iiwan ni pababayaan ni Jesus kung mayroon ka mang sakit o financial problem. Pumanaw man ang iyong mahal sa buhay o nasaktan ka ng iyong minamahal, nariyan si Jesus. At kung may pangarap ka mang hindi pa natutupad, huwag kang panghinaan ng loob. Always remember that God is a step ahead, and He is working on your behalf. Tandaan mo, hindi ka nag-iisa. Halika, sasamahan kitang mag-pray. Lumapit tayo kay Jesus.

Share this encouraging page to family and friends.

[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, salamat sa pangako Ninyo na Kayo ang mangunguna sa akin. Sinasamahan Ninyo ako at hindi Ninyo ako pinapabayaan. Alisin po Ninyo sa akin ang takot. Tulungan Ninyo akong harapin ang mga responsibility at challenge sa buhay. Kahit hindi Kayo nakikita, naniniwala ako na nariyan lang Kayo sa tabi ko, Panginoong Jesus. Amen.

APPLICATION

Kapag natatakot ka o nalulungkot, always claim God’s promise na hindi ka Niya iiwan ni pababayaan.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

4 + 11 =