24

FEBRUARY 2021

Makinig sa Tinig ng Diyos

by | 202102, Devotionals, Trusting God

Share with family and friends

[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
"
Narrated by Felichi Pangilinan Buizon"

Sinunod nga ni Elias ang sinabi ni Yahweh. Lumakad siya at nanirahan sa may batis ng Carit, sa silangan ng Jordan. Umaga’t hapon, may mga uwak na nagdadala sa kanya ng pagkain, at sa batis naman siya umiinom. Ngunit dumating ang panahon na natuyo na rin ang batis.

1 Mga Hari 17:5-7

Matapos ipahayag ni Elias kay Haring Ahab na hindi uulan, inutusan ni Yahweh ang Kanyang propeta na magtago sa silangan ng Jordan. Ipinangako ni Yahweh na susustentuhan Niya ang Kanyang lingkod. Ngunit dumating ang panahon na natuyo na ang batis ng Carit. Alam iyon ni Yahweh. Alam din Niya na naroon si Elias.

Kataka-taka na ang unang ginawa ng Diyos ay mangusap kay Elias (1 Mga Hari 17:8-9). Pupuwede namang paulanin na ni Lord o kaya naman dagdagan agad ng tubig ang batis pero hindi Niya iyon ginawa. Inutusan niya si Elias na pumunta sa Sarepta. Buti na lang, sa halip na umalis agad at maghanap ng tubig, naghintay muna si Elias ng direksyon mula sa Diyos.

Noon at ngayon, alam ng Panginoon kung nangangailangan tayo ng saklolo. Tuwing paubos na ang tinta ng bolpen, alam Niya. Kung huling saing na ang nasa kaldero, alam din Niya. Kung panay resibo na lang ang laman ng wallet, alam din Niya. Pero minsan, ang hindi natin alam ay ang mga plano ng Panginoon. Ang saklolo Niya ay karaniwang iba sa iniisip nating paraan. Sa oras ng kagipitan, lumapit tayo sa Diyos at matatanggap natin ang agarang tulong na ating kailangan. Bago tayo mag-isip ng solusyon at kumilos, gayahin natin si Elias. Maghintay tayo ng revelation mula sa Diyos. May nakapagsabi na we are to live by God’s revelation, not by our situation. Dinggin muna natin kung anong gustong sabihin sa atin ng Diyos nang hindi tayo maligaw (Mga Kawikaan 14:12).

Kay Elias, mas mahalaga ang tinig ng Diyos, ang Tubig na Nagbibigay buhay, kaysa sa tubig sa batis na natutuyo. Ganoon din ba kahalaga sa iyo ang tinig ni Lord?

Share this encouraging page to family and friends.

[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, salamat sa halimbawa ni Elias. Turuan Ninyo akong maghintay at makinig sa Inyong tinig nang may pagtitiwala. Pinagsisisihan ko ang mga panahong inuunahan ko Kayo at hindi ko Kayo sinasali sa plano ko. Kayo na po ang manguna sa akin.

APPLICATION

Prayer is two-way. May time na ikaw ang nagsasalita, pero may time na kailangan mo ring makinig sa Diyos. Subukan mong basahin nang paulit-ulit ang isa o ilang talata sa Biblia. Pagkatapos, manalangin ka ng, “Speak Lord, I am listening”. Tumahimik ka ng 5 minuto sa presensya ng Panginoon at pakinggan mo kung anong sasabihin Niya sa iyo ayon sa talatang binasa mo.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

5 + 11 =