27

FEBRUARY 2021

Share with family and friends

[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
"
Narrated by Miriam Quiambao Roberto"

Mas bukas ang isipan ng mga Judiong tagaroon kaysa sa mga Judiong taga-Tesalonica. Wiling-wili silang nakikinig sa mga paliwanag ni Pablo, at sinasaliksik nila araw-araw ang mga Kasulatan upang tingnan kung totoo nga ang sinasabi niya.

Mga Gawa 17:11

Mas abot-kamay na nga raw natin ang kaalaman sa panahon ngayon. Isang type mo lang sa browser, makikita mo na ang related articles sa tanong mo. Maging sa newsfeed ng social media ay may infographic at news bits nang nakahanda. Marami na ring websites, blogs, at vlogs na tumatalakay sa halos lahat ng paksang gusto mong malaman. Malayo na nga ang narating ng ating henerasyon sa mga kaalaman at madali pa itong i-share sa iba. Ngunit nakakasiguro ba tayo na tama ang mga natututunan natin mula sa mga ito? Sinusuri ba natin ang mga bagay-bagay bago natin ito paniwalaan o basta na lamang tinatanggap ito?

Kaya naman natatangi ang mga Judio sa Berea. Wiling-wili man silang nakikinig kay Pablo, sinasaliksik din nila ang mga ito upang tingnan kung totoo ang sinasabi niya. Dahil dito, marami sa kanila ang naniwala sa gospel, gayundin ang mga Griyego, mga kababaihan at kalalakihang kilala sa lipunan (Mga Gawa 17:11-12).

Mahalaga sa Panginoon ang ating karunungan. Maging sa Lumang Tipan ay pinaaalalang unahin ang pagtuklas nito at pilitin nating matamo kahit gaano kamahal (Mga Kawikaan 4:7-8). Kung may paggalang at pagsunod tayo sa Panginoon, pasimula na iyan ng karunungan (Mga Kawikaan 1:7). Ayon naman sa Santiago 1:5, kung kulang tayo ng karunungan ay humingi lamang tayo sa Panginoon at bibigyan Niya tayo ng sagana (Santiago 1:5). Ngunit higit sa lahat, matapos nating masaliksik ang katotohanan at makamit ang karunungang batay sa Salita ng Diyos, ang nararapat nang gawin ay paniwalaan at sundin ang sinasabi nito.

Share this encouraging page to family and friends.

[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, maraming salamat at Kayo mismo ay Karunungan. Tulungan po Ninyo kaming maging mapanuri sa mga bagay na aming nababasa, napapanood, at napapakinggan. Gabayan Ninyo kami sa pagpili ng mga palabas, babasahin, at iba pa na makaka-impluwensya sa aming araw-araw na desisyon sa buhay lalo na sa aming pananampalataya. In Jesus’ name, Amen.

APPLICATION

Mag-set ng oras para aralin ang Scripture. Maaari ring sumali sa Bible studies o seminar tungkol sa pag-aaral ng Bible. Bago i-share ang infographic o quote sa social media account, take time to verify kung credible ang source at tama ang nakasaad dito.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

6 + 9 =