6

APRIL 2021

Pray for Your Friends

by | 202104, Devotionals, Prayer

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Alex Tinsay & Written by Michellan Kristine S. Alagao

Ang kabuhayan ni Job ay ibinalik ni Yahweh sa dati, nang ipanalangin nito ang tatlong kaibigan. At dinoble pa ni Yahweh ang kayamanan ni Job.

Job 42:10

Naalala mo ba ‘yung mga kaibigan ni Job na nakakainis — si Elifaz na Temaneo, Bildad na Suhita, at Zofar na Naamita? Marami silang sinabing masasakit at hinusgahan pa nila si Job nang dumanas siya ng sunod-sunod na trahedya. Kaya ayun, nagalit ang Panginoon sa kanila. Sinabi ni Yahweh kay Elifaz, “‘Matindi ang galit ko sa iyo at sa dalawa mong kaibigan sapagkat hindi ninyo sinabi ang katotohanan tungkol sa akin tulad nang ginawa ni Job’” (Job 42:7).

Minsan may mga kaibigan tayong nakakasakit ng ating damdamin dahil marami silang sinasabi na akala nila ay tama, pero mali pala. Hindi naman sa masama sila o hindi nila tayo mahal, pero mali lang talaga ang pagkaintindi nila sa isang sitwasyon. Sana hindi muna sila nagsalita, di ba? Sana nagbigay muna sila ng comfort sa atin. That’s what friends are for! Ano ang reaction natin sa mga kaibigang ganito? Inis? Tampo? Deadma?

Ano ang reaction ni Job? Natuwa ba siya sa sinabi ng Panginoon? Sinabi ba ni Job, “Ha! Buti nga sa inyo!” Nagtampo ba si Job sa mga kaibigan niya? Parang hindi. Mukhang pinatawad pa nga niya ang tatlo. Ang sabi sa Bible, pinag-pray niya ang mga ito. Hindi nag-pray si Job na ibalik ni Lord ang kanyang kabuhayan, pero ginawa ‘yun ni Lord  nang ipanalangin ni Job ang kanyang tatlong kaibigan.

Si Job ay magandang example ng sinabi ni Jesus na “ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili” (Mateo 22:39). Kung kaya ni Job na patawarin at ipanalangin ang tatlong kaibigan niya, kaya din natin itong gawin sa tulong ng Diyos. Magpatawad tayo tulad ng pagpapatawad sa atin ng Diyos dahil kay Cristo (Efeso 4:32).

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, maraming salamat sa mga kaibigan na ibinigay Ninyo sa akin kahit na minsan, nakakasakit sila. Tulungan Ninyo kami na mapatawad namin ang isa’t isa kapag  nagkakamali kami. Salamat na dahil sa Panginoong Jesus, pinatawad na Ninyo kami. Amen.

APPLICATION

May mga kaibigan ka ba na nakakasakit sa iyo? Ipanalangin mo sila isa-isa, and speak words of blessings to them sa oras na ito.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

7 + 10 =