5

MAY 2021

#Instaworthy or Praiseworthy?

by | 202105, Devotionals, Salvation, Security

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Peter Kairuz & Written by Michellan Alagao

mga kapatid, dapat maging laman ng inyong isip ang mga bagay na karapat-dapat at kapuri-puri: mga bagay na totoo, marangal, matuwid, malinis, kaibig-ibig, at kagalang-galang.

Mga Taga-Filipos 4:8

Sinasabing #instaworthy ang isang bagay kapag ito ay magandang i-post sa Instagram o iba pang social media. Ibig sabihin impressive ito and most likely,  kaiinggitan ng iba. Ano-ano ang mga bagay na #instaworthy? Masarap na pagkain sa bagong restaurant. Travel pics. Mga selfie kasama ang isang celebrity. OOTD (outfit of the day). Ang iyong shopping haul. Pics sa events na inattendan mo, tulad ng concerts at parties.

Basta mukha kang cool, masaya, mayaman, maganda, o guwapo, #instaworthy ‘yun. Ganoon dapat ang laman ng iyong Instagram o Facebook feed. I-delete ‘yung mga pangit na selfies. Ulit-ulitin ang pagkuha ng pics at gumamit ng filter hanggang sa maging perfect ang iyong shots. Pag hindi #instaworthy, walang likes at loves. Nakakahiya naman!

Ganoon ba ka-importante ang maging #instaworthy? Bago pa nauso ‘yan, may sinabi na ang Bible na isang bagay na dapat nating pagsikapang gawin: ang maging praiseworthy. Sabi nga ni Apostle Paul na sumulat sa mga taga-Filipos, dapat ang laman ng isip natin ay mga bagay na kapuri-puri—totoo, marangal, matuwid, malinis, kaibig-ibig, at kagalang-galang. Mas importante ang mga ito kaysa sa bagay na akala ng iba ay cool, masarap, maganda, nakaka-impress, o nakakainggit.

Okay lang ang mag-post at mag-share sa social media, pero kung masyado na tayong concerned sa iniisip ng iba tungkol sa pics natin at nagpapanggap na lamang tayo para lang makakuha ng likes, hindi na ito tama. Hindi na ito karapat-dapat at kapuri-puri. Ang kapuri-puri ay kahit na ano ang kinakain mo, nagpapasalamat ka kay Lord. Ang kapuri-puri ay hindi ka nagkakalat sa lugar na iyong binibisita. It is praiseworthy kapag ginagalang mo ang lahat ng tao, celebrity man sila o hindi. At kahit simple lang ang damit mo pero ang galing mong magdala—wow, praiseworthy ‘yan talaga! Pero sa lahat ng ito, ang pinaka-praiseworthy ay ang Panginoon na nagbigay sa atin ng lahat ng mabubuting bagay. Praise the Lord!

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, alam kong mas importante ang maging praiseworthy kaysa sa maging #instaworthy. Thank You for this reminder. I praise You because Your are good, loving, and amazing.

APPLICATION

Kaya mo bang hindi mag-post ng pics sa personal social media mo ng 2 weeks straight? Try it. Walang mawawala sa iyo kung hindi ka magpo-post palagi. Instead of taking out your cellphone to take a picture, i-enjoy mo ang nasa harapan mo—good food, fun friends, and interesting places—and thank God for them.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

4 + 5 =