6

MAY 2021

Kaibigan ng mga Makasalanan

by | 202105, Devotionals, Salvation, Security

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Alice Labaydan & Written by Deb Arquiza

Hindi ako naparito upang tawagin ang mga matuwid, kundi ang mga makasalanan upang sila’y magsisi.” 

Lucas 5:32

Isa sa misconceptions nating naniniwala kay Jesus Christ ay ang pag-iisip na dapat tayong lumayo o umiwas sa mga taong hindi naniniwala kay Jesus. Iniisip natin na ang pagiging followers ni Jesus ay nangangahulugan na lalayuan natin ang mga taong hindi natin kapareho ng pananampalataya.

But surprisingly, sa Bible, Jesus did the opposite. Hindi Siya lumayo sa mga makasalanan. In fact, kilala nga Siya bilang “friend of sinners” dahil nilapitan at kinaibigan pa Niya ang mga itinuturing noon na “salot sa lipunan”—mga kriminal, mga prostitute, mga magnanakaw, at mga taong may malubha at nakakadiring sakit. Hindi Siya namimili ng tao—ang totoo, sila ang uri ng mga taong hinahanap Niya.

Tulad na lang ni Zaccheus na may bad reputation bilang isang gahaman at corrupt na taga-singil ng buwis. Sa kabila ng mga kasalanan ni Zaccheus, at kahit na ayaw sa kanya ng maraming tao, pinili ni Jesus na lapitan siya at bisitahin sa kanyang tahanan. At dahil sa encounter ni Zacchaeus with Jesus, nagbagong-buhay si Zaccheus (Lucas 19:1-10). Si Jesus ang nag-influence kay Zacchaeus at sa maraming iba pa para magsisi sa kanilang mga kasalanan at maging mabuti.

Hindi natin completely maiiwasang makihalubilo sa mga hindi natin kagaya ng beliefs and lifestyle.  Baka nga ipinapadala tayo ni Jesus sa kanila para maging daan upang makilala nila si Jesus. Let us start praying for them, na magkaroon sila ng desire to know Him personally, and for us to be used by God to introduce Him to others. Let us pray for courage and wisdom to follow the example of Jesus. Kumain Siya at uminom kasalo ng mga maniningil ng buwis at mga makasalanan (Lucas 5:31-32) pero ginamit Niya ang mga pagkakataong iyon para magpakita sa kanila ng kabutihan at magdala ng pag-asa. At ang bunga? Naligtas sila.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Dear Jesus, tulungan Ninyo akong maging kagaya Ninyo. Help me to reach out sa mga taong hindi pa nakakakilala sa Inyo at sabihin ang Mabuting Balita sa kanila na namatay Kayo sa krus upang tubusin kami sa kasalanan. Salamat sa pag-ibig Ninyo sa akin kaya magagawa ko ring ibigin ang iba. Amen.

APPLICATION

Pray for those who are not professing Christians to be open to the gospel. Subukan mo ring mag-volunteer o mag-donate sa ministries or organizations na tumutulong sa mga maysakit, nasa prison, or drug rehabilitation center.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

5 + 3 =