23

MAY 2021

Being Kind Like Jesus

by | 202105, Devotionals, Salvation, Security

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Byron Sadia & Written by Beng Alba-Jones

Kaya nga, dahil kayo’y hinirang ng Diyos, minamahal niya at pinili para sa kanya, dapat kayong maging mahabagin, mabait, mapagpakumbaba, mahinahon, at mapagtiis.

Mga Taga-Colosas 3:12

Sa mundong puno ng mga taong mainitin ang ulo, kulang sa pasensya, o kaya’y madaling mairita, hindi ba’t breath of fresh air ang makasalamuha ang mga taong mabait, mahinahon, at puno ng pasensya?

Isipin mo na lang ang ginawa ni Jesus nang nandito Siya sa lupa. Kung hindi Siya nagtuturo, nagpapakain Siya sa gutom, nagpapagaling ng maysakit, o bumubuhay ng patay. Saan man Siya pumunta, laging may nakasunod sa Kanya. Lahat na lang ng tao ay may kailangan sa Kanya. Pero may mababasa ba tayong nagreklamo Siya?

Sa isang pagkakataon, may isang ketongin na lumapit, hinihiling na siya’y pagalingin. Buong pagmamahal na hinawakan siya ni Jesus at sinabihang, “Nais kong gumaling ka at maging malinis” (Mateo 8:3). Pagkatapos ng mahabang panahon, muling trinatong bilang tao ang pinandidirihan at iniiwasan ng lahat. Kung tutuusin, sa isang salita lang ni Jesus, kaya na Niyang pagalingin ang ketongin. Pero sa pagdampi ng kamay ni Jesus, higit pa sa katawan ng ketongin ang pinagaling Niya. Oo, muling kuminis ang balat ng ketongin. At ang basag nitong puso, nabuong muli. Sa wakas, tinapos ni Jesus ang tagtuyot ng pagmamahal sa buhay ng ketongin. Sa isang iglap, sa isang haplos, umulan ng pagmamahal. Ibang klase talaga ang kabaitan ng Diyos. Sobra-sobra Siyang magmahal.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord Jesus, teach me to love like You. Sana ay matuto akong maging mahabagin, mabait, mapagpakumbaba, mahinahon, at mapagtiis. May times na magiging mahirap itong gawin pero I will continue to look to You who perfectly loves imperfect people like me.

APPLICATION

There are many well-meaning people who say, “Practice random acts of kindness.” But how about another advice? Plan and do deliberate acts of kindness instead. This week, pumili ng isang tao bawat araw na gagawan mo ng mabuti. Go all-out sa pagpapakita mo ng kabaitan. Don’t do it for the likes on social media you might get. In fact, don’t tell others about it. Do it only for the Lord. Ultimately, His is the only approval that matters.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

3 + 8 =