6

JUNE 2021

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Written and Narrated by Felichi Pangilinan Buizon

Kinabukasan, naroon muli si Juan kasama ang dalawa sa kanyang mga alagad. Nang makita niya si Jesus na nagdaraan ay kanyang sinabi, Siya ang Kordero ng Diyos!

Juan 1:35-36

Marami sa atin ang familiar sa lyrics na ito: “Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan…” Lumaki tayong inaawit ito sa simbahan pero naunawaan ba natin ang kabuluhan nito? Kailangan nating balikan ang isang pangyayari sa history ng mga Israelita, ang tinatawag na Passover o Pista ng Paskwa para mapahalagahan natin ang katotohanang ito.

Sa Exodus, mababasa ang paglaya ng mga Israelita mula sa 400-taong pagkaalipin sa ilalim ng Egipto. Kahit sunod-sunod na salot at kababalaghan ang dinanas ng Egipto mula sa Diyos, ayaw pa ring payagan ni Pharoah na umalis ang mga Israelita.  Nang dumating ang ikasampung salot—ang pagkamatay ng mga panganay na lalaki (Exodus 11)—saka pa lamang siya pumayag.

Inutusan ng Diyos ang bawat pamilyang Israelita na pumili ng isang kordero o tupang lalaki na isang taong gulang at walang kapintasan. Sabay-sabay nilang papatayin ang mga ito. Ipapahid ang dugo sa magkabilang poste at itaas ng pintuan ng bahay na kanilang kakainan ng kinatay at nilitsong tupa. Noong gabing iyon, nilibot ng Diyos ang buong Egipto at pinatay ang lahat ng panganay na lalaki, tao man o hayop, subalit ang lahat ng bahay na may dugo ay nilampasan Niya (pass over) at walang pinsalang nangyari sa mga nakatira doon. Kinaumagahan, ipinagtabuyan na ng mga nagdadalamhating Egipcio ang mga Israelita.

Katulad ng tupa, si Jesus ay wala ring kapintasan dahil wala Siyang kasalanan. Siya ang lalaking panganay ng Diyos Ama (Mga Taga-Colosas 1:15). Katulad ng mga tupa, si Jesus ay kinailangang isakripisyo. Hindi coincidence na Pista ng Paskwa nang namatay Siya sa krus. Sabi sa Hebreo 9:22 “Ayon sa Kautusan, halos lahat ng bagay ay nililinis sa pamamagitan ng dugo, at walang kapatawaran ng kasalanan kung hindi sa pamamagitan ng pag-aalay ng dugo.” Dahil sa banal na dugo ni Jesus, nilinis tayo at pinatawad ng Diyos sa lahat ng ating mga kasalanan.

Katulad ng mga Israelita, tayo ay alipin ng kasalanan. Napalaya lamang tayo sa kasalanan at sa mapait na kaparusahan nito sa pamamagitan ng dugo ni Jesus, ang Kordero ng Diyos. Balang araw sa walang hanggan, ang mga mananampalataya ay sabay-sabay na magpupuri, “Ang Korderong pinatay ay karapat-dapat tumanggap ng kapangyarihan, kayamanan, karunungan, kalakasan, parangal, papuri at paggalang!” (Pahayag 5:12).

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Salamat, Jesus, Kordero ng Diyos, dahil ang Inyong kamatayan ang nagbigay sa akin ng kalayaan mula sa kasalanan at buhay na walang hanggan. Nilinis na Ninyo ako at pinatawad dahil sa Inyong dugo. Tinatanggap ko Kayo, Jesus, at ang Inyong tinapos na gawa sa krus. Mamumuhay ako ngayon para sa ikaluluwalhati Ninyo. Amen.

APPLICATION

Nauunawaan mo na ba kung bakit “Kordero ng Diyos” ang tawag kay Jesus? Bakit hindi mo ibahagi sa iba ang iyong natutunan?

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

11 + 7 =