19

JUNE 2021

Diyos ng Katarungan

by | 202106, Devotionals, Salvation, Security

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Icko Gonzalez & Written by Michellan Alagao

Sapagkat si Yahweh na inyong Diyos ay Diyos ng mga diyos, Panginoon ng mga panginoon, makapangyarihan at kakila-kilabot, walang itinatangi, at hindi nasusuhulan. Binibigyan niya ng katarungan ang mga ulila at balo; minamahal niya ang mga dayuhan at binibigyan ng pagkain at damit.

Deuteronomio 10:17-18

Sa 1987 Philippine Constitution, nakasulat na dapat i-dispose ng Supreme Court ang mga kaso sa loob lang ng 2 years. Pero may mga kaso na umaabot ng 15-20 years! Napakarami pang backlog na mga kaso hanggang ngayon. Maraming unresolved cases. May iba’t-ibang factors at dahilan kung bakit ganito ang sistema natin: kulang sa judges, maraming delays, at kung ano-ano pa. At di umano, may ibang mayayaman na sinusuhulan ang mga taong nasa positions of power para lang mapabilis ang kanilang kaso at mabigyan ng pabor.

Paano na ang mahihirap na naghihintay ng ilang taon para sa hustisya na hindi pa dumarating? ‘Ika nga ng isang kasabihan, justice delayed is justice denied. Matindi ang galit ng Diyos sa katiwalian at sa mga taong tiwali. Siya ay Diyos at Panginoon ng lahat—mahirap man o mayaman, may kapangyarihan man o wala. Binibigyan Niya ng katarungan ang lahat, kaya kalooban din Niyang maging makatarungan tayo.

Kahit na common ang corruption sa bansa natin, hindi natin ito dapat tinatanggap bilang “normal.” Huwag tayong magpadala at huwag tayong maging desensitized sa katiwalian. Hindi ito ang will ni Lord para sa bansa natin! Ang nais Niya ay ang magkaroon ng katarungan, lalo na para sa mga ulila, balo, dayuhan, at mahihirap sa ating bansa.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, I pray against the powers that prevent Your justice from being delivered, lalo na para sa mga balo, ulila, mahihirap, at mga taong inaapi ng kung sino-sino. Naniniwala ako na kaya Ninyong baguhin ang bansang Pilipinas at ang mga sirang sistema nito. Itinataas ko po ang bansang ito. Papagsisihin po Ninyo ang lahat ng gumagawa ng katiwalian, at gawin ninyo sila, at kaming lahat na instruments of justice.

 

APPLICATION

Makibalita sa TV o mag-research online ng specific na kaso tungkol sa mga biktima ng “injustice,” tulad ng mga bata na biktima ng online sexual exploitation, at mga tao na nakakaranas ng iba’t-ibang klaseng abuse. Isama sila sa iyong Prayer List, at ipag-pray regularly, hanggang ma-resolve ang kaso nila. While doing this, patuloy kang magpuri sa Panginoon at magtiwala that He is powerful, just, and ultimately, He will cause good to triumph over evil.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

1 + 5 =