2

MAY 2022

A Different Kind of Peace

by | 202205, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Mari Kaimo & Written by Excel Dyquiangco

Huwag kayong mabalisa tungkol sa anumang bagay. Sa halip, hingin ninyo sa Diyos ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ng panalanging may pasasalamat. At ang kapayapaan ng Diyos na hindi kayang maunawaan ng tao ang siyang mag-iingat sa inyong puso at pag-iisip dahil sa inyong pakikipag-isa kay Cristo-Jesus.

Mga Taga-Filipos 4:6–7

Madalas ka bang mag-alala? At the height of the pandemic, maraming nagkasakit at namatayan, maraming nawalan ng trabaho, maraming  nag-struggle with their mental health, marami ang hindi alam kung saan nila kukunin ang susunod nilang kakainin.

In spite of all of these circumstances, sabi ng Diyos na huwag tayo mag-alala! Ito ay utos ng ating Panginoon so every time that we become anxious about something, we are telling God that He is not true to His Word. Too much worrying is also a sin dahil parang sinasabi natin na He is not enough to solve our problems. Just think about this: Sa halip na pagkatiwalaan ang Diyos, na tutuparin Niya ang Kanyang mga pangako, nagkakaroon tayo ng doubt sa kaya Niyang gawin. Or we might doubt kung mahal ba talaga Niya tayo dahil sa mga nararanasan natin. Napaka-absurd, ’di ba? Pero sino ba naman sa atin ang hindi guity? Lahat tayo, at one point in our lives, might have gone through this period of doubting.

So ano ang pwede nating gawin para matanggal ang pagiging anxious natin and therefore, para hindi tayo magkasala against God?

Today’s verse tells us na kailangan tayong magdasal sa Panginoon, at pasalamatan Siya. Pasalamatan Siya kahit may pandemic? Pasalamatan Siya kahit nawalan tayo ng trabaho? Pasalamatan siya kahit namatay ang ating mahal sa buhay? Oo! Thank Him in all circumstances, and we will experience the kind of peace that can only come from Him.

Lumalaki ang ating mga problema when we take our focus off God. Remember that He is much bigger than all the circumstances that we are facing right now. Siya ang ating healer, ang ating provider, ang ating shelter — He is all these and so much more.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoong Jesus, help me to focus on You. Help me to focus on You in spite of my circumstances and the trouble I am facing. Help me to pray to You when things do not go my way. Remind me to come to You kapag nalulunod na ako sa problema. Help me not to worry or be anxious. Dahil alam kong mas malaki Ka kaysa sa lahat ng mahihirap na bagay na pinagdadaanan ko.

APPLICATION

List down all the things that you are thankful to God this year. Thank Him for all of these things.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

8 + 6 =