16
JUNE 2023
A Model of Good Deeds
Sa lahat ng paraan, maging halimbawa ka ng mabuting ugali at maging tapat ka at kagalang-galang sa iyong pagtuturo.
Tito 2:7
Trainee sa isang advertising company si Jelaine at ang boss niya ay ang very efficient na si Gerry. He is the best employee in the company pero ang tanging weakness niya ay lagi siyang late. For him, okay lang na hindi on time basta mabilis naman siyang kumilos para tapusin ang trabaho.
Because Gerry is their top employee, sila ni Jelaine ang napiling humarap sa kanilang biggest client para i-pitch ang bagong idea. On the day of the meeting, late na naman si Gerry, at ganoon din si Gelaine. The client waited for an hour and felt disrespected. Because of this, na-brand ang kumpanya nina Gerry na unprofessional. That day, they lost their biggest client. They could have saved the situation kung dumating nang maaga si Jelaine para humarap sa kliyente, but because she followed the footsteps of Gerry, late rin siya.
Gaya sa kwento ni Gerry, kung paanong reflection ng kumpanya ang ginagawa ng mga empleyado, ganon din sumasalamin kay Jesus ang mga ginagawa natin because we are His followers. Ang pagsunod ni Jelaine kay Gerry ay isang paalala na someone could be following our actions. Maaaring ito ay ang anak natin, kapatid o kaibigan, o sinumang nakakakita sa atin. That’s why the Apostle Paul told Titus to be an example of good deeds (Titus 2:7). When people see our good deeds, hopefully, they will follow us, and give glory to our Father in heaven (Mateo 5:16).
LET’S PRAY
Lord, I submit myself to You. Salamat na dahil sa Inyong biyaya, patuloy akong mababago. Help me to be a role model to others as I follow You, Jesus.
APPLICATION
Ni-reveal ba sa iyo ni God kung anong mga bagay ang dapat mong i-improve? You can swipe left para isulat ito sa Prayer List at ipanalangin. Doing this will make you aware of your progress.