17

JUNE 2023

It’s Not What It Looks Like

by | 202306, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Icko Gonzalez & Written by Prexy Calvario

Kay Yahweh ka magtiwala, buong puso at lubusan, at huwag kang mananangan sa sariling karunungan. Sa lahat ng iyong gawain siya nga’y alalahanin, upang ika’y patnubayan sa iyong mga tatahakin.

Kawikaan 3:5–6

Kapag inilagay mo ang isang drinking straw sa isang empty glass, tuwid pa rin ito at hindi nababago ang haba nito. Pero kapag nilagyan mo ng tubig ang baso, makikita mo sa side view at top view na nabali ang straw! Kapag tinanggal mo naman mula sa tubig ang straw, hindi naman pala ito bali! Ang tawag dito ay refraction, kung saan dahil sa liwanag na tumatagos sa tubig, nagmumukhang nabali ang straw. Pero ang totoo, optical illusion lang ito and it’s not what it looks like!

Meet Elijah. Samu’t saring milagro ang ginawa ng Diyos sa pamamagitan ni Elijah (Read 1 Kings 17:17–24; 1 Kings 18:19–39; 1 Kings 18:41–45). Pero sa kabila ng mga ito, hindi pa rin sumampalataya kay Yahweh ang mag-asawang Haring Ahab at Jezebel. Sa halip, ipapapatay pa si Elijah! Dahil sa takot, tumakas siya papuntang Mt Sinai. Sabi niya sa Diyos, “Yahweh, kunin na po ninyo ako. Ako po’y hirap na hirap na. Mabuti pa pong mamatay na ako” (1 Hari 19:4). Pero tinanong lang siya ng Diyos kung anong ginagawa niya. Sinabi niya na ang Diyos lang ang pinaglingkuran niya, na sinira na ng Israel ang kanilang kasunduan sa Kanya, at siya na lang ang natitira (1 Hari 19:14).

Pero ni-reveal ng Diyos na hindi siya nag-iisa. Mayroon pa palang pitong libong mula sa Israel na hindi lumuluhod kay Baal at humahalik sa kanyang imahe (v. 18). Talaga nga namang it’s not what it looks like!

Sa sitwasyon mo ngayon, mapa-side view or top view, baling drinking straw din ba ang nakikita mo? Marahil pagod at nawawalan ka rin ng pag-asa matapos sumunod sa Panginoon tulad ni Elijah. Pakiramdam mo siguro ay mag-isa kang lumalaban. It’s not what it looks like. In God’s view, hindi hopeless ang sitwasyon mo. Trust God with all your heart and don’t lean on your own understanding. God will never fail nor forsake those who put their trust in Him.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, buksan po Ninyo ang aking paningin para makita ko ang sitwasyon ko mula sa Inyong perspective. Tulungan Ninyo akong magtiwala sa Inyo at hindi sa sarili kong karunungan.

APPLICATION

Meditate on Proverbs 3:5–6. Ask the Lord to reveal to you the things that you have not entrusted to Him and guide you on what to do. Write this in your journal.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

2 + 12 =