4

FEBRUARY 2022

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Sonjia Calit & Written by Marlene Munar

Kaya nga, magpakatatag tayo sa ating pananampalataya, dahil mayroon tayong Dakilang Pinakapunong Pari na pumasok na sa kalangitan, doon mismo sa harap ng Diyos. Siya’y walang iba kundi si Jesus na Anak ng Diyos.

Mga Hebreo 4:14

Nakakainis makatanggap ng “Access Denied” message kapag may binubuksan kang file o folder sa computer, o may gusto kang i-save, baguhin, o i-delete na file. Pero mas lalong nakakadismaya kung lalapit ka sa Diyos at may warning signal kang maririnig —Toot…toot…toot! Access Denied!

Buti na lang, dahil sa High Priest nating si Jesus ay may access tayo sa Diyos sa langit. Pagkatapos Niyang ihandog ang Kanyang sarili bilang kabayaran sa ating kasalanan (Mga Hebreo 2:17), umakyat Siya at pumasok sa langit, at ngayo’y nasa harap ng Diyos para namamagitan sa atin (Mga Hebreo 4:14). Hindi Siya katulad ni Aaron at ng mga sumunod sa kanya na nagsilbi ring pinakapunong pari na sa Holy of Holies ng Tent of Meeting lamang nakapasok. Bilang Pinakapunong Pari natin, maasahan natin na lubusan tayong matutulungan ni Jesus at mailalapit sa Diyos Ama ang lahat ng ating pangangailangan. Naging tao kasi Siya kaya naiintindihan Niya ang pinagdadaanan nating paghihirap at tukso. At kung tayo man ay matukso, Siya ang Tagapagtanggol natin sa Ama, nagpapaalala na Siya ang handog sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan natin (1 Juan 2:1–2; Hebreo 2:17).  Kaya hinihikayat tayo ng sumulat ng Aklat ng Hebreo: “…huwag tayong mag-atubiling lumapit sa trono ng mahabaging Diyos upang makamtan natin ang habag at kalinga sa panahon ng ating pangangailangan” (4:16).

Kailangan mo ba ng tulong ng Diyos?  Feeling mo ba walang nakakaintindi sa iyo? Natutukso ka at kailangan mo ng saklolo? Anuman ang gusto mong sabihin sa Diyos at anumang tulong ang kailangan mo, siguradong sa pamamagitan ng High Priest nating si Jesus, “Access Granted” ka na. Tutulungan ka Niya sa panahon ng pangangailangan mo.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Salamat, Jesus, na dahil bumalik Ka sa langit, sa pamamagitan Mo ngayon ay napapakinggan ako ng Diyos Ama, at hindi nababalewala ang mga daing at hiling ko.

APPLICATION

Huwag mag-atubiling lumapit sa Diyos sa pamamagitan ni Jesus para magsabi ng pangangailangan mo o ng mga taong kakilala mo.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

7 + 13 =