27
JULY 2023
Aliw Sa Kapighatian
Purihin natin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo, ang mahabaging Ama at Diyos na pinagmumulan ng lahat ng kaaliwan. Inaaliw Niya tayo sa ating mga kapighatian upang sa pamamagitan ng kaaliwang tinanggap natin sa kanya ay makatulong naman tayo sa mga nahahapis. Sapagkat kung gaano karami ang aming paghihirap dahil sa aming pakikipag-isa kay Cristo, gayundin naman karami ang aming kaaliwan kay Cristo.
2 Mga Taga-Corinto 1:3–5
Where do we find comfort when we are faced with difficult situations or tragedies that we have no control of? How can we be comforted when a loved one was killed, or died in a tragic accident? Who can we turn to when we are confronted with the fear of uncertainties, the fear of the unknown?
In times of distress and loss, some of us seek comfort in things that make us feel relaxed. Manonood ng paboritong TV show, magpapalipas ng oras sa coffee shop o sa mga kaibigan. Nakakalimutan nating mayroon tayong mapagmahal na Diyos na pinagmumulan ng lahat ng kaaliwan (2 Mga Taga-Corinto 1:3). No matter how difficult our situation may be, God’s comfort makes it easier for us to face it.
Dama ng Diyos ang ating paghihinagpis. Hinihintay Niya tayong dumulog sa Kanya sa panalangin. Bibigyan Niya tayo ng kaaliwan at kalakasan upang mapagtagumpayan ang matinding pagsubok, gaya ng pangako kay Isaias, “Ako’y sasaiyo, huwag kang matakot, ako ang iyong Diyos, hindi ka dapat mangamba. Palalakasin kita at tutulungan, iingatan at ililigtas” (Isaias 41:10).
The God who gives us comfort is the same God the Father, na pinagkatiwalaan ni Jesu-Cristo sa kanyang pagdadalamhati. Inamin Niya ito bago Siya mapako sa krus. “Ako’y nababagabag ngayon. Sasabihin ko bang, ‘Ama, iligtas mo ako sa oras na ito?’ Hindi! Sapagkat ito ang dahilan kung bakit ako naparito. Ama, parangalan Mo ang Iyong pangalan. Isang tinig mula sa langit ang nagsabi, ‘Pinarangalan ko na ito, at muli kong pararangalan’” (Juan 12: 27–28).
God will comfort us, at inaasahan Niya na tayo rin ay magbibigay ng kaaliwan sa iba sa panahon ng paghihinagpis nila (2 Mga Taga-Corinto 1:4).
LET’S PRAY
Mapagmahal na Ama sa langit, salamat po sa Inyong pangako na hindi Ninyo ako kailanman iiwan, manapa’y bibigyan ng kaaliwan at kalakasan sa aking paghihinagpis at mga pagsubok sa buhay. Amen.
APPLICATION
Ask God to lead you to those He wants you to comfort. Maaari mong ipasa sa kanila ang devotional na ito, o hingin ang pahintulot na samahan mo sila. Ituro sa kanila na tanging ang Diyos lamang ang makapagbibigay ng kaaliwan, pag-asa, at kagalingan sa gitna ng mga pinagdaraanang pagsubok.
SHARE THIS QUOTE
