16

SEPTEMBER 2023

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Icko Gonzalez & Written by Alma S. de Guzman

Welcome back to our series, “The Miracles of Jesus.” Tingnan natin ngayon ang isang himalang ginawa ni Jesus na nagpapakita ng kapangyarihan Niya over nature.

Bumangon si Jesus at iniutos sa hangin, “Tigil!” at sinabi sa alon, “Tumahimik ka!” Tumigil nga ang hangin at tumahimik ang lawa. 

Marcos 4:39

On a wave pool in an urban residence maraming mga tao ang nag-eenjoy mag-swimming habang may alon. May mga sumasabay sa alon, at mayroon ding mga nagpapaanod lang. The pool is 5 feet deep; waves last for 10 minutes every hour, at may mga pool guards na maya’t maya ay pumipito kapag may hindi sumusunod sa safety guidelines. Sa ganitong controlled environment, waves can be enjoyed. But in real life, nakakatakot ang malalaking waves lalo’t kapag may kasama pang bagyo.

Jesus and His disciples once experienced a storm with waves breaking into their boat. Nag-panic ang lahat ng disciples habang mahimbing ang tulog ni Jesus. Ginising Siya ng mga ito kasabay ng mapagdudang tanong na, “Guro, balewala ba kung mapahamak kami?” (Marcos 4:38). Bumangon si Jesus at inutusan ang bagyo at mga alon na tumigil.  Napayapa ang lahat, at si Jesus naman ang nagtanong sa kanila, “Bakit kayo natatakot? Hanggang ngayon ba’y wala pa rin kayong pananampalataya?” (v. 39). At lahat sila’y namangha kay Jesus.

Imagine yourself in the shoes of the disciples. Nakakatakot, di ba? Minsan mabilis tayong ma-carried away ng takot, at nakakalimot tayo that “Jesus is with us.” Bagama’t nauunawaan Niya ang ating kahinaan, He is teaching us to exercise our faith and not to put it aside when there’s a storm. If we believe in Jesus and we are assured of who He is, we can act on our faith and trust that He’ll take care of us.

Let us fill our hearts and minds with Jesus and His Word, para kahit anong alon ang dumating, mapapayapa tayo dahil kasama natin Siya.

See you tomorrow sa pagpapatuloy ng ating series na “The Miracles of Jesus.”

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord Jesus, payapa man o maalon ang buhay, pinipili kong manampalataya Sa Inyo. Ipaalala Ninyo sa akin ang lahat ng Inyong mabubuting ginawa, at patuloy na ginagawa sa buhay ko.

APPLICATION

Watch the “Miracles of Jesus” on the official Batang Superbook YouTube channel at i-share ang lesson na natutunan mo sa isang batang kapatid, pamangkin, o inaanak.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

8 + 2 =