6

FEBRUARY 2024

Always Look Up

by | 202402, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Sonjia Calit & Written by Jude G. Agbayani

Ang kaluwalhatian ng Diyos ay ipinapahayag ng kalangitan!

Ang ginawa ng kanyang kamay, ipinapakita ng kalawakan!

Awit 19:1

Nakarating ka na ba sa Mount Pulag? Sikat itong akyatin ng hikers at sinasabing isa sa pinakamagandang bundok sa Luzon. Nabibighani ang lahat ng makarating sa summit nito dahil sa sea of clouds. Dagdag pa ng experienced hikers, sa gabi makikita rin sa summit ang Milky Way galaxy. What a sight!

Pero hindi naman kailangang umakyat ng bundok para ma-appreciate ang ganda ng creation. Tuwing umaga, laging nagpapakita ang sun na hudyat ng isang bagong araw. Sa hapon naman ay may dramatic view ng sunset saang sulok ka man sa Pilipinas magpunta. At may mensahe si Lord sa atin sa bawat tingin natin sa kalangitan.

Una, the magnificence of creation points to a magnificent Creator. Araw-araw nakikita natin ang artistry ni Lord on display. Walang sinabi ang painting ng mga sikat na pintor sa beauty ng creation. God created the world by His word lang. Sinabi lang ni Lord na, “Let there be ” at nabuo na ang mga bundok, mga dagat, mga tala, at iba pa. Si Lord lang ang makagagawa niyan, wala nang iba. Kaya nga He is worthy of praise and honor.

Pangalawa, ang magnificent Creator na ito ay may pakialam sa atin. Kung kaya Niyang pagandahin ang mundo, kaya rin Niyang gawing masterpiece ang buhay ng mga nagtitiwala sa Kanya. Kung gaano kaliwanag ang kalangitan, puwedeng maging ganun din kaliwanag ang mga chapter ng buhay natin.

Sa tuwing nangangamba ka, look up. Ang sunrise ang nagpapaalala sa iyo na laging mayroong pag-asa, while ang sunset naman ay nagpapahiwatig ng time to rest and express gratitude sa araw na patapos na. Ano man ang pinagdadaanan mo ngayon, kasama mo si Lord. Tingin lang sa kalangitan to remind you na mahalaga ka sa Kanya, at He is always with you.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, thank You for the hope You give me every morning and the rest You provide at night. Help me remember to call on You every moment of my day.

APPLICATION

Sumilip ka sa bintana ngayong umaga. Ano ang nakikita mo? Ipikit mo ang iyong mga mata at magpasalamat sa Diyos sa umagang puno ng pag-asa.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

13 + 7 =