19

DECEMBER 2022

Mary’s Answer

by | 202204, Devotionals

Share with family and friends
Narrated by Icko Gonzalez & Written by Deb Arquiza

Sumagot si Maria, “Ako’y alipin ng Panginoon. Mangyari nawa sa akin ang iyong sinabi.” Pagkatapos, umalis na ang anghel.

Lucas 1:38

Hindi kumpleto ang Christmas story kung wala si Mary, ang nanay ni Jesus. Kung babasahin natin ang kwento sa Lucas 1, siya’y isang pangkaraniwang babae lamang, a young woman engaged to be married to Joseph. Pero biglang nagbago ang lahat nang biglang magpakita sa kanya ang anghel na si Gabriel at sinabing siya ay mabubuntis and will give birth to the Savior of the world, Jesus. Nang marinig ito ni Mary, takot at pagkabahala ang kanyang naramdaman. Shocking naman kasi, ‘di ba? Paano nga naman mabubuntis ang isang virgin? Napaka-impossible! Isa pa, ano na lang ang iisipin ng kanyang mapapangasawa at ng kanyang mga kababayan kapag nalaman nila na nabuntis siya nang hindi pa kasal? Nakakahiya. At malamang, wala nang kasalang maganap kapag kumalat ang balita.

Kaya napatanong si Mary, “How can this be?” Sinabi ng anghel na siya ay lulukuban ng Banal na Espiritu at siya ay mabubuntis sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos. Still, everything didn’t make any sense. Mary could have easily said no. “Pwede naman na ibang babae na lang, bakit ako pa?” But you know what’s truly incredible? Sa kabila ng takot at mga naiisip niya, ito ang naging sagot ni Mary, “Ako’y alipin ng Panginoon. Mangyari nawa sa akin ang iyong sinabi.” What an answer!

Sobrang nakaka-amaze kung paano naniwala si Mary sa mensahe sa kanya ng angel. Kahit na imposible. Kahit na walang sense. Kahit na nakakatakot. Nagtiwala siya na mangyayari iyon. Paano nagawa ni Maria na mag-yes sa isang napaka-imposible at nakakatakot na assignment? Dahil alam Niya kung Sino ang nagsabi nito. Alam ni Mary na galing ang salita kay God. Alam ni Mary na kahit kailan, hindi siya ipapahamak ng Diyos kaya kahit mahirap, nakaya niyang sumunod at i-allow si God na gamitin ang buhay niya para sa purpose na itinakda Niya. Even if it didn’t make sense, Mary said yes to God. And true enough, the miraculous birth of Jesus happened. Dahil sa faith at obedience ni Mary, maraming tao ngayon ang naligtas at nakakilala sa Panginoon. God can do the impossible through you and in you. Will you let Him use you today? He’s waiting for your answer.

Share this encouraging page to family and friends.

LET’S PRAY

Dear Lord, give me faith just like Mary’s. Today, I give You my yes. I want to be Your servant. Use me for Your glory.

APPLICATION

Gawing everyday declaration ang sinabi ni Mary sa Luke 1:38, “Let Your will be done in my, Lord.”

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

2 + 4 =