22

APRIL 2026

Andiyan Siya

by | 202604, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Neo Rivera & Written by Marlene Legaspi-Munar

Pagkasabi nito’y dumaan si Yahweh at umihip ang napakalakas na hangin. Sumabog ang bundok at nagkadurug-durog ang mga bato sa lakas ng hangin ngunit wala sa hangin si Yahweh. Nang tumigil ang hangin ay lumindol, ngunit wala sa lindol si Yahweh. Pagkalipas ng lindol ay kumidlat, ngunit wala rin sa kidlat si Yahweh. Pagkalipas ng kidlat, narinig niya ang isang banayad na tinig.

1 Mga Hari 19:1112

Meet Shōji Morimoto, isang Japanese na may kakaibang trabaho — ang kanyang expertise: ang samahan ang sinumang nangangailangan ng kasama. Puwede siyang upahan para samahan ang taong ayaw mag-shopping mag-isa, o kailangan ng makakalaro, o sinumang naghahanap ng kahit na stranger para mag-pose sa tabi niya for a selfie. He walks with them, eats with them, shops with them, and does other things for them, nang walang judgment and expectation. In return, kumikita siya at covered pa ang travel and meal expenses niya. Higit sa lahat, napupunuan niya ang need ng mga kliyente niya for company.

Marami sa atin ang naghahanap ng companionship, ng connection. Kapag may problema, gusto nating may karamay. Kapag gusto nating mag-rant, gusto nating may nakikinig sa atin. Kapag dadaan tayo sa isang medical procedure, naghahanap tayo ng hahawak sa ating kamay at magsasabing, “Everything will be OK.” And when we are grieving, nababawasan kahit konti ang lungkot kapag may isang taong nagmamalasakit na nasa ating tabi.

Thank God for people who stand by our side. They are extensions of God’s presence. Pero kahit na wala sila, God remains by our side. He never leaves; He is always present. Minsan hindi dramatic ang pagpaparamdam ng Diyos ng Kanyang presence — hindi loud, walang fanfare. But you know He’s there, and He is at work: when you find a space in a crowded parking lot, when you see a double rainbow, when you hear a still small voice reassuring you even in the most difficult times. God is present.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Thank You, Father God and Lord Jesus, for You are constantly with me through Your Holy Spirit. Thank You for You are always with me, and You will never leave me.

APPLICATION

When you wake up, spend some minutes in silence acknowledging God’s presence. Throughout the day, be mindful of God’s voice as it speaks to you through nature, other people, and the Bible.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

1 + 7 =