12

SEPTEMBER 2023

Ang Cristianong Laging Handa

by | 202309, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Icko Gonzalez & Written by Aliya L. Parayno

Igalang ninyo si Cristo mula sa inyong puso at sambahin ninyo siya bilang Panginoon. Lagi kayong maging handang magpaliwanag sa sinumang magtatanong sa inyo tungkol sa pag-asa na nasa inyo. 

1 Pedro 3:15

Hindi lahat ng idinulot ng lockdowns sa ating bansa dahil sa pandemic ay negatibo. Isa sa mga nakakatuwang nangyari lalo na noong nakaraang dalawang taon ay ang pag-trending ng mga pagkain tulad ng ube pan de sal, baked sushi, DIY samgyup, at inumin tulad ng dalgona coffee. Nag-trending ang mga ito dahil na rin sa numerous shares on social media.

Tunay ngang hindi maipagkakaila ang power ng social media. Ang isang restaurant na nalulugi na, i-post at i-repost lang na masarap ang pagkain nila, muling dadayuhin na naman at magbu-boost ang sales nila. Ang isang brand ng sabon na hindi pinapansin sa shelves ng supermarket, i-post lang sa Facebook at bigyan ng magandang review dahil sa tumatagal na bango, magiging sikat na naman to the point na one week after ay sold out na siya.

Imagine ang epekto sa mga tao kapag nagpopost tayo tungkol kay God. Hindi man natin agad-agad makikita ang resulta sa readers and viewers natin, pero makakasigurado tayo na nangungusap ang ating posts to at least one person who comes across them. Pero bago mangyari ito, kailangang handa tayong mag-share in the first place! We who are excited to post about the latest coffee concoction we’ve discovered, or the most recent Netflix series we’ve watched, must be more excited to share about God. Remember, we are ambassadors of the Lord Almighty. And as ambassadors, kailangan ay ready tayong sagutin ang katanungan ng iba ukol sa Kanya na nagligtas sa atin. Ang pagiging handa ay hindi madali, but it is an honor to represent God. Thus, we must always be ready and enthusiastic. Remember, sharing about God is also a way to honor and worship Him (1 Peter 3:15).

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

My Lord God Almighty, alisin po Ninyo ang aking hesitations and insecurities tuwing tinatanong ako tungkol sa Inyo. Alisin po Ninyo ang aking fears sa pag-share ng Word of God.

APPLICATION

Ano ang content ng social media account mo? Nakaka-encourage ba ang mga shine-share mo doon? Gamitin mo ang iyong social media presence upang makapagbahagi ng Salita ng Diyos at makapag-encourage sa iyong connections.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

13 + 12 =