13

SEPTEMBER 2023

You Can Encourage Someone Through Your Trial

by | 202309, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Sonjia Calit & Written by Honeylet Adajar-Velves

Dahil dito, palakasin ninyo ang loob ng bawat isa at magtulungan kayo tulad ng ginagawa ninyo ngayon.

1 Mga Taga-Tesalonica 5:11

Tinamaan ng rare disease ang anak ni Rachelle kung saan nag-reset ang utak ng kanyang five-year-old little boy. Mula sa bibong bata, naging parang sanggol kumilos ang anak. Kinailangan nitong umattend ng occupational therapy para muling ma-develop ang skills na dati na niyang nagagawa. Gabi-gabing umiiyak si Rachelle sa Panginoon kung bakit sa anak niya tumama ang nasabing sakit. Hands-on siya sa pagpapalaki ng bata kaya lalong hindi niya maintindihan kung saan pa siya nagkulang bilang ina. Sa gitna ng lahat ng ito, nakita niya kung paano kumilos ang Panginoon. Mula sa pagbabayad ng hospital bills at therapies, hanggang sa progress na ipinapakita ng anak, Rachelle can only give the credit to God.

She shared her story sa social media. Nagulat siya ng isa sa mga reply na nakita niya ay galing sa kaibigan niyang si Carmela na sobrang naka-relate sa kanya. Apparently, she has a daughter na sinabihan ng doctor na maghanda sa kakaibang challenges na mararanasan nila dahil mukhang may autism ang bata. It devastated her to hear na parang wala ng pag-asa sa buhay ang anak niya. Kaya nang mabasa ni Carmela ang testimony ni Rachelle on how God works in her son’s life, na-encourage siya nang todo.

Gaya ni Rachelle, ang mga bagay na pinagdadaanan mo ay ginagamit ni God para ipakita Niya sa iyo ang Kanyang kapangyarihan at kabutihan. At hindi Niya ito itinuturo sa iyo just for your personal gain. He wants you to share it to others. Tandaan, anumang pinagdadaanan mo ngayon ay maaaring encouragement sa kapwa mo bukas.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, salamat po sa mga taong ginagamit Ninyo para ma-encourage ako especially during hard times. Bless them even more. Help me to be an encouragement to others as well. I pray this in Jesus’ name. Amen.

APPLICATION

Ipag-pray mo ang isang kakilala na nangangailangan ng encouragement. God will answer your prayer and may even show you how you can encourage this person in concrete ways.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

7 + 15 =