2

AUGUST 2023

Ang Mabangong Samyo ng Sakripisyo ni Cristo

by | 202308, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Erick Totanes & Written by Marlene Legaspi-Munar

In our new series today, we will discover Christ in the Old Testament offerings. Hopefully we’ll gain new insight on the depth of His sacrifice to save us from sin. Let’s start today’s devotion with our new series “Jesus in the Old Testament Offerings.”

Sinabi pa ni Yahweh kay Moises, “Sabihin mo kay Aaron at sa kanyang mga anak, ‘Ito ang tuntunin tungkol sa handog na sinusunog. Kailangang ilagay sa altar ang handog na sinusunog at dooy hayaang magdamag na may apoy na nagniningas.”

Levitico 6:8–9

Since time immemorial, ang labi ng mga pumanaw ay inililibing sa lupa. Ang mga nabuhay noong Bible times na sina Abraham, Joseph, Moses, at maging si Jesus ay inilibing sa lupa (Genesis 23:9; 50:25; Deuteronomy 34:5–6; Mark 15:46). But in recent years, marami nang nagpapa-cremate. One reason is financial. Mas mura ito kaysa traditional ground burial. During the pandemic, those who died of COVID-19 were immediately cremated to avoid the spread of the deadly virus.

In cremation, the body is burned to ashes. Ang labi ay pinapasok sa cremation chamber na may temperaturang umaabot sa 2,000 degrees at sa loob ng 2–3 hours ay doon ito susunugin hanggang sa maging abo na lang. Pagkatapos, ang abo na nasa isang urn o lalagyan ay ibabalik sa kapamilya.

Do you know that a similar kind of “burning to ashes” was part of a religious ritual in the Old Testament? Noong panahon ni Moses, iniutos sa mga Israelita ang mga offering o paghahandog. Isa rito ay ang burnt offering. Ang handog na sinusunog ay maaaring baka, tupa, o kambing na lalaki na walang kapintasan (Levitico 1:2). Papatayin ito at patutuluin ang dugo, babalatan, at saka pagpipira-pirasuhin ang katawan. Susunugin ito sa altar nang magdamag at ang usok ay magiging mabangong samyo sa Diyos (Levitico 6:9).

Jesus is the ultimate fulfillment of the burnt offering. Siya ang Kordero ng Diyos na walang kapintasan at buong-buong naghandog ng Kanyang sarili para tubusin tayo sa kasalanan (Juan 1:29). Dahil sa Kanya, makakalapit na tayo sa Diyos at makakapaghandog ng papuri’t pagsamba. Kaya kung paanong inialay Niya ang Kanyang buhay bilang mabangong handog, mamuhay din tayo ng banal at kalugud-lugod sa Diyos (Mga Taga-Efeso 5:2; Mga Taga-Roma 12:1).

Nakita natin how Jesus is the fulfillment of the burnt offerings of the Old Testament. Tune in again tomorrow para sabay-sabay nating diskubrihin kung paanong si Jesus ay ang ultimate fulfillment ng grain offering.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoong Jesus, nagkaluray-luray ang buo Mong katawan at sa krus ay dinala Mo ang kasalanan ng sanlibutan. Tinubos Mo kami sa kasalanan at pinapanumbalik sa Diyos. Kaya nagpapasalamat ako at ngayon, sa biyaya Mo, ay mamumuhay nang may pagsunod sa Iyo.

APPLICATION

Pagbulaybulayan ang Mga Taga-Efeso 5:1–2. Pag-isipan kung paano ka mamumuhay nang may pagmamahal tulad ni Cristo. Ito ang maaari mong maging mabangong handog sa Diyos.

INSPIRATIONAL QUOTES

CAN WE PRAY FOR YOU?

2 + 13 =