3

AUGUST 2023

Bread with Many Benefits

by | 202308, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Erick Totanes & Written by Marlene Legaspi-Munar

Kahapon ay nakita natin that Jesus is the ultimate fulfillment of the burnt offering. Let’s continue our series “Jesus in the Old Testament Offerings” and discover how He is the true grain offering.

“Kung may maghahandog ng pagkaing butil kay Yahweh, ang ihahandog niya’y ang mabuting uri ng harina. Bubuhusan niya ito ng langis ng olibo at bubudburan ng insenso bago dalhin sa mga pari. Ang paring namumuno sa paghahandog ay dadakot ng harina, kasama ang langis at lahat ng insenso para sunugin sa altar bilang tanda na ang lahat ng ito’y ihahandog kay Yahweh. Ang usok nito’y magiging mabangong samyo kay Yahweh.

Levitico 2:1–2

Ang main ingredients sa paggawa ng tinapay ay flour, yeast, salt, at water. Ang pinaka-common na harinang ginagamit ay wheat flour. Para sa mga health conscious, hindi lang basta bread made of refined wheat flour ang pinipili nila, kundi whole wheat bread dahil mas marami itong health benefits.

Sa Old Testament may tinatawag na grain offering o handog na pagkaing butil. Ang grain offering ay tinatawag ding meal offering at kadalasang inihahandog pagkatapos ng burnt offering. Ang handog ay dapat na magandang klaseng harina gawa sa wheat o trigo. Puwede ring barley. Maaari itong hindi luto o niluto sa pugon o kawali ― parang flatbread (Levitico 2:1, 4–5). Kung ito naman ay trigo mula sa unang ani, dapat na gilingin ito o isangag (v. 14). Anuman ang paraan ng presentation ng grain offering, dapat na wala itong yeast (6:17), pero merong langis. May bahaging sinusunog sa altar bilang handog sa Diyos, at may bahagi ring binibigay sa mga pari para kanilang pagkain. Ang grain offering ay pagkilala ng mga Israelita na ang Diyos ang pinagmulan ng lahat ng kanilang pagpapala, kaya sila ay nagpapasalamat.

Ang sarili Niya ang tinutukoy ni Jesus na trigo na kailangang mahulog sa lupa at mamatay (Juan 12:24). Inihandog Niya ang Kanyang sarili bilang pinakamainam at dalisay na handog para sa ating kapakinabangan. Wala Siyang anumang kasalanan (na sinisimbolo ng yeast), bagkus Siya ay puspos ng Banal na Espiritu (na sinisimbolo ng langis). Si Jesus ang tinapay ng buhay (Juan 6:35, 48). Siya lang ang makakapagbigay sa atin ng buhay na walang hanggan; ang makakapagpabusog sa ating kaluluwa; at makakapag-provide ng lahat ng ating mga pangangailangan. Ang daming benefits ng ating Bread of life! Hindi ba dapat lang na mag-umapaw ang pasasalamat natin sa Kanya?

May we never forget that Jesus is the Bread of life and thank Him always. Kita-kits tayo uli bukas as we continue our series “Jesus in the Old Testament Offerings.”

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, kinikilala ko na lahat ng meron ako ay galing sa Inyo. Nagpupuri ako’t nagpapasalamat sa blessings Ninyo, and the greatest blessing is Your Son Jesus, our Bread of life. Jesus, You are my source of provision and prosperity.

APPLICATION

Bilang pasasalamat sa Diyos sa Kanyang blessings, subukan mong mag-share ng iyong blessings sa mga naglilingkod sa Diyos o sa mga taong nangangailangan. Do this with a grateful heart, and God will accept it as your pleasing sacrifice (Hebrews 13:16).

INSPIRATIONAL QUOTES

CAN WE PRAY FOR YOU?

10 + 5 =