26
FEBRUARY 2024
Ang Magtanim ng Sama ng Loob ay Di Biro
Pag-ingatan ninyong huwag tumalikod ang sinuman sa inyo sa pag-ibig ng Diyos. Huwag kayong magtanim ng sama ng loob na dahil dito’y napapasama ang iba.
Mga Hebreo 12:15
Paano nga ba natin mapagtatagumpayan ang mga dala-dalang mabigat na saloobin o ‘yung tinatawag nating resentment?
Umiiyak ang isang ina at tinanong niya ang anak na babae, “Ano ba ang pinaghuhugutan mo ng matinding galit sa akin? Ako ang ina mo na nagluwal at nagpalaki sa iyo. Respeto lang, anak. Hindi ako perfect, and there’s no such thing as an ideal parent.”
Gitna sa tatlong magkakapatid si Ana. Lumaking may galit sa mga magulang kasi iyon daw ang ipinaramdam sa kanya mula nang siya ay bata pa. Mas minahal daw ng parents niya ang ibang kapatid. Middle child syndrome, iyan ang kinakaharap ng gitnang anak na may emotional setbacks.
Lahat tayo at some time or another feels that we have been wronged by another person, even the one closest to you. Kakayanin pa ba ng powers ninyo ang patagalin ang pagtatanim ng sama ng loob? Ang magtanim ng sama ng loob ay di biro. Who knows? ‘Yung kasamaan mo pala ng loob ay deadma lang. Eh ikaw? Bitter pa rin? Tuldukan na natin.
Kapag di tayo nagpatawad ay maaring nakawin ang inner peace natin. Posible ring magkaroon tayo ng stress-related illness. Remember, you alone will suffer kapag hindi ka natutong magpatawad sa taong may kinasasamaan mo ng loob.
Let us follow God’s example in loving us. Romans 5:8 says, “But God showed His great love for us by sending Christ to die for us while we were still sinners.” Trust Jesus as your Saviour and Lord of your life. Surrender your resentments completely to God, and you will begin to have victory over resentments.
LET’S PRAY
Lord, I surrender my bitterness and resentments. I let go of all my pains and even the people I hold grudges and disagreements. Teach me to forgive and forget in the name of Jesus. Amen.
APPLICATION
Makipag-one-on-one ka kay God. Isuko mo sa kanya ang lahat ng iyong nararamdaman. Iiyak mo lang kay God. After a good cry, you will feel 100% better.